In the Cinemalaya entry Patikul, Marvin Agustin (left) plays the self-sacrificing principal of an elementary school in Mindanao while Allen Dizon plays a father who will do everything to ensure that his son will get the education that he needs.

Marami nang napanalunang award si Joel Lamangan, bilang direktor, pero ang latest ang una niyang parangal, bilang digital indie filmmaker.

Nanalo siyang Digital Movie Director of the Year, para sa Sigwa, sa Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club) noong June 21.

"Maraming salamat.  Ito po ang una kong award, bilang direktor, sa isang digital movie," banggit ni Direk Joel sa kanyang acceptance speech sa naturang awarding na ginanap sa Resorts World Manila. "Iniaalay ko rin po ito sa lahat ng mga nominated directors.  Mahuhusay po silang lahat.  Bagay po sa kanilang lahat ito."

At lubos na pinasalamatan ni Direk Joel ang lahat ng may kaugnayan sa pelikulang Sigwa, na naging kalahok noong isang taon, sa Cinemalaya Filmfest 2010, Directors' Showcase category. 

Hindi niya nakalimutang banggitin ang kanyang mga producers, Stanley and Pelita Peralta Uy ng Beginnings at Twenty-Plus, Sineng Totoo Prods. & Star Express, at ang buong cast ng pelikulang may kuwentong tumalakay sa mga kaganapan sa panahon ng Martial Law (early '70's) at ang naging epekto niyon sa ilang kabataang mag-aaral na nagtaglay ng ideolohiyang "left-leaning" (o laban sa pamahalaang Ferdinand Marcos).

"Kundi dahil sa kanila, hindi mabubuo ang pelikula," ani Joel.  "Kundi dahil sa aking pakiusap na sila'y sumama sa isang pelikulang bagama't walang gaanong kita, ay magagawa, dahil sa pagtutulong-tulong nila, na naniniwala sa sinasabi ng pelikula.

"Puwede ko pong i-mention lahat sila: Tirso Cruz III (himself an honoree that night, as best supporting actor), Zsa Zsa Padilla, Pauleen Luna, Megan Young, Lovi Poe, Jim Pebanco, Allen Dizon... sina Gina Alajar, Marvin Agustin at Dawn Zulueta.

"At ang mga nasa likod po nito: si Monino Duque (cinematographer), Dennis Evangelista (line producer), Egay Littaua (production designer); ang akin pong mga crew.. kundi po dahil sa kanila ay hindi ko po magagawa ang pelikula..."

Ang unang pananalo ni Joel Lamangan ng best director award ay mula rin sa Star Awards for Movies ng PMPC, taon 1995, para sa pelikulang Pangako Ng Kahapon (1994) ng Viva Films.

PATIKUL.  This year, kasali uli si Joel Lamangan, sa 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition (Director's Showcase), sa pamamagitan ng isang socio-political drama tungkol sa masalimuot na sitwasyon ng mga Pilipinong Kristiyano at Muslim, sa katimugang (south) bahagi ng Pilipinas.

"Patikul is the name of a town in Sulu, ravaged by the war in Mindanao," sabi ni Direk Joel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"It'a about the people in the South; the children being deprived of having education because of the war between the military and Muslim rebels [the dreaded Abu Sayyaf], while the parents do not have any choice because ayaw na ng mga teachers na magturo.  

"So, the parents united in order to defend the rights of the children for education.  They got teachers from Manila, para lang magtuluy-tuloy ang pag-aaral ng mga bata.