guide

Precious Lara Quigaman reveals her wedding will take place by October 2012

by Rommel Placente posted on October 21, 2011  STATS: 10211 Views | 1 Comments
Precious Lara Quigaman says that her wedding to Marco Alcaraz will take place by October 2012. Precious topbills the indie horror film Babangluksa, which will open in cinemas by October 26, 2011. Photo By: Noel Orsal

May natapos na gawing indie film si Precious Lara Quigaman: ang Babangluksa na isinulat at idinerehe ng first-time director na si Yuan Santiago. Ito ang unang handog ng Creativeminds Productions. Gumaganap dito si Precious bilang isang doktora na may kakayahang makakita ng mga namatay na tao.

Ang Babangluksa ay isang horror film. Tungkol ito sa mga pamahiiin natin sa patay na kapag hindi mo nasunod ang pamahiiing ito, malamang na humantong sa kamatayan.

Kahit ganito ang tema ng kanilang pelikula ay hindi naniwala sa pamahiin si Precious.

"I don't believe ahh..sa mga pamahiin. Di ba sinasabi natin na kapag pumunta tayo sa isang patay, dapat hindi tayo dumirecho ng uwi? Dapat pumunta muna tayo sa isang lugar para kumain. Ang tawag natin dun, pagpag, di ba?

"Ako kapag galing ako sa patay, okay lang sa akin na dumiretso sa bahay. I think it robs me of my faith kapag naniwala ako.

"Pero ayoko namang i-take against dun sa mga taong naniniwala. Kanya-kanya naman tayo ng mga beliefs."

Nakausap ng PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) si Lara kahapon, October 20, sa mini- presscon ng Babangluksa na ginanap sa Patio Carlito restaurant sa Quezon City.

Kasama rin sa Babangluksa si Angelika dela Cruz na gumaganap bilang isang psychic.

Ang sabi-sabi, dapat daw yung role ni Angelika ang para kay Precious, and vice versa.

Nang i-offer daw ang pelikula kay Precious, ang sabi raw niya ay mas gusto niya yung role ni Angelika dahil mas challenging ito. Pinagbigyan naman daw ang kahilingang ito ni Precious na nang makarating naman daw ito kay Angelika ay naimbudo raw ito kay Precious.

Ano ang masasabi ni Precious tungkol dito?

"Never kaming nagkaroon ng isyu. Never kong inisip and I'm sure never din namang naisip ni Angelika yun. 

"And ahh...from the beginning talaga, alam na namin yung character na ipi-play namin. Wala, wala naman talagang isyu tungkol dun," paliwanag ni Precious.

Sa October 26 ang showing ng Babangluksa.  Sa date ring ito ang showing ng pelikula ni Vice Ganda: ang Praybeyt Benjamin.

Hindi ba natatakot o kinakabahan si Lara na makakatapat nila sa showing ang pelikula ni Vice?

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

1 Comment

  • kadabarkads

    10/27/2011 | 07:24 PM
    cool na down to earth na beauty queen pa, saan kpa?lol. Marco Alcaraz is one lucky guy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About