Alex Medina, son of Pen Medina, describes how it was to be a student activist in Ka Oryang

Elli Alipio
Thursday, November 03, 2011 @ 04:11PM  |  192 views

"Dati na akong gumaganap na artista sa mga short films, ngunit dito kakaiba yung magiging karakter ko kasi aktibista ako dito, estudyante pa, at noong kapanahunan no'ng Martial Law pa," pahayag ni Alex Medina tungkol sa kanyang gagampanan na karakter sa Ka Oryang, isa sa mga entries sa 2011 Cinema One Originals.
Photo By: Noel Orsal













Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ni Pen Medina na si Alex Medina sa isang press conference na ginanap kamakailan para sa 2011 Cinema One Originals entry na Ka Oryang.

Ang Ka Oryang ay pinagbibidahan ni Alessandra de Rossi. Ito ay tungkol sa mga babaeng political detainees na naghirap noong kapanahunan ng Martial Law. Ito ay directed by Sari Dalena—isang short film director at documentarian.

Kasama din sa pelikula ang ilang kilalang artista tulad nina Joem Bascom at Emilio Garcia.


Ipapalabas ang Ka Oryang bilang isa sa sampung entries ng 2011 Cinema One Originals film festival na gaganapin mula November 9-15 sa EDSA Shangri-la Cineplex. 


(CLICK HERE to learn more about the ten entries)

Isang estudyanteng aktibista dito ang gagampanan dito ni Alex, na younger brother ni Ping Medina.

"Dati na akong gumaganap na artista sa mga short films, ngunit dito kakaiba yung magiging karakter ko kasi aktibista ako dito, estudyante pa, at noong kapanahunan no'ng Martial Law pa.

"E, wala akong alam kung ano nangyari noong Martial Law, kung pareho ba ang paniniwala o pinaglalaban ng mga aktibista noon, sa ngayon."

Paano ka napabilang sa cast ng Ka Oryang?

"A, kaibigan ko po si Miss Sari [Dalena], yung direktor ng pelikula," saad ni Alex.

Aniya, "Actually, kaibigan ko po yung asawa niyang si Sir Keith [Sicat].

"'Tapos, ayon po, doon ko nakilala si Miss Sari, ipinakilala ako, 'tapos ayon inoffer din sa akin yung role.

"Konti lang yung scenes ko dito, pero siyempre makabuluhan yung karakter pa rin na gagampanan, bawat isa sa 'min, actually, mahalaga ang karakter."

So how was it naman working with Direk Sari?

"A, magaan naman po siyang ka-trabaho," maikling tugon ng anak ni Pen Medina.

Dagdag pa niya, "Alam mo na agad yung gagawin mo, e, kasi direkta niya sinasabi talaga kung ano yung mga eksena, saan, kailan papasok, gano'n."

Kamusta namang ka-trabaho ang mga malalaking artista tulad nila Alessandra de Rossi, Joem Bascom, at Emilio Garcia?

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name