Vaness del Moral tries the world behind the limelight via indie film Hantu

Joyce Jimenez
Friday, February 03, 2012 @ 04:16PM  |  177 views

Aside from being one of the producers, Vaness del Moral was also the assistant director for the film Hantu, which stars theater actors from Teatro Expedicion de Filipinas.
Photo By: Noel Orsal













Sinubukan na rin ng aktres na si Vaness del Moral ang mundo sa likod ng camera nang gawin niya ang pelikulang Hantu.

Isa si Vaness sa mga producers ng nasabing pelikula, kasama sila Joey Paras, Floid Zulueta, at Biboy Ramirez.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ng Hantu noong Sabado, Enero 28, sa CAP Auditorium sa Amorsolo St., Makati City.

Ikinuwento sa amin ni Vaness kung paano nagsimula ang paggawa sa independent film na ito, na pinagbibidahan ng mga theater performers mula sa Teatro Expedicion de Filipinas kung saan miyembro rin si Biboy Ramirez.

"Nag-start siya kasi si Joey Paras, 'yong director and writer, nasulat na niya 'yong script tapos sinasabi niya kay Biboy [Ramirez] na gusto niyang gawin 'yong movie, 'yong indie film kaya lang 'yong budget hindi niya kaya.

"So,naghahanap siya ng co-producers niya. So, sabi ko, 'sige tignan natin,' sabi ko kay Biboy.

"So, pinabasa muna sa akin 'yong script, tapos no'ng binabasa ko siya mabilis nga ko magbasa, e, kasi pagdating do'n sa parts na nagkakagulatan na, tapos ang daming revelations, ang bilis ng basa ko kasi na-e-excite ako mabasa 'yong mga susunod na pages.

"So, sabi kong gano'n, 'maganda siya,' 'tas nag-isip na ko na kailangan natin ng ganito, kailangan natin ng ganyan.

"So, pinag-isipan ng mabuti kung sasama ba ako, siyempre hindi naman biro 'yong maglalabas ka ng malakig halaga ng pera para do'n sa indie film na hindi naman din natin alam kung kikita siya, o magugustuhan ba siya ng mga tao.

"Pero, since nagustuhan ko naman, tsaka ako mismo na wala pa, imagination pa lang natakot na ko.

"So, sabi ko, 'sige, try natin. Malay mo,' tutal lahat naman kami first time, e, first time naming apat na mag-produce, at first time naming apat na kami ang hahawak sa buong production."

THE FILM. Samantala, sinabi ni Joey Paras, ang sumulat at direktor ng Hantu, na naging inspirasyon niya sa paggawa ng pelikulang ito ang mga horror films mula sa ibang Asyanong bansa.

Ang "Hantu" ay isang Bahasa Indonesian na salita, na ang ibig sabihin ay "multo."

Ani Joey, "nasulat ko 'to because ako takot ako na hindi ko kilala 'yong kasama ko, 'yong idea of that.

"Also, I do have an Indonesian family, I used to work with Indonesians, so, from them na-learn ko 'yong culture na 'to.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name