Pokwang is cast as a nurse in the upcoming Chito Roño film titled The Healing. This horror flick is topbilled by Batangas Governor Vilma Santos and Kim Chiu. Photo: Allan Sancon

Namamayagpag ang career ni Pokwang hindi lamang sa larangan ng komedya kundi maging sa drama, matapos ang kanyang pagbibida sa solo movie niya na A Mother’s Story. Sasabak na naman ang komedyante sa isang seryosong horror movie na pinamagatang The Healing. AngStar Cinema movie na ito ay pinagbibidahan nina Kim Chiu at Batangas Governor Vilma Santos. Kamakailan ay nakapanayam ng PEP.ph at ilang miyembro ng media si Pokwang nang ganapin ang presscon niya kasama si Chokoleit, Pooh at K Brosas para sa concert na pinamagatang 4 The Best, Pak Pak.

Kuwento ni Pokwang tungkol sa The Healing: “Directed by Chito Roño itong movie namin ni Governor Vilma Santos. Alam naman nating pag Chito Roño kakaibang horror movie ito. Natutuwa ako kasi after ng drama sa A Mother’s Story, eto horror naman ang gagawin ko kasama si Gov. Vi. So karagdagang kaalaman na naman ito.

“Isa ako ritong nurse na uupa sa bahay nina Gov. Vi. Tapos tuwing may magpapagamot, may kapalit kasi yun, yun yung aabangan n’yo sa movie. Kasama namin uli si Tita Daria Ramirez, of course, si Kim Chiu kasama namin dito.”

May pag ka comedy ba ito or seryosong horror po ito?

“Hindi! Seryoso talaga ako rito. Hindi masyado yung comedy ko rito.  Sabi nga ni Direk Chito Roño na dapat hindi nila makita yung Pokwang sa movie na ito, ibang atake ko rito sa karakter ko.”

First movie mo ba ito na seryosong horror  talaga?

“Oo kasi, kasi yung Cinco [a five-part horror movie released in 2010] namin before kasi may pagka comedy pa, e.”

Naka pag shoot na ba kayo ni Gov. Vi? Naka eksena n’yo na po ba si Gov. Vi?

“Oo. Nakailang shooting days na rin ako, sina Gov. Vi. Nakaka 12 days na rin sila, ako yata 4 palang, e.”

Kamusta ka trabaho sa set si Gov. Vi?

“Ay! High energy lagi, energetic, hindi nawawalan ng kuwento, tawa kami ng tawa. Sabi ko, ano ba itong ginagawa natin. Kasi, off cam tawanan lang kami ng tawanan, minsan lumalayo na ako kay Direk Chito kasi yung tawanan namin minsan kinakabagan na kami kahit madaling araw na. Sabi namin, maghiwa hiwalay muna tayo kasi sumasakit na tiyan natin. Ganun kami kasaya sa set. At ang daming pagkain.”

Masasabi mo bang dream come true ang maka trabaho si Gov. Vi sa pelikulang ito?

“Oo naman! Diyos ko! Yung sa D’ Lucky Ones [2006] nag guest sa ‘min si Gov. Vi kasama si Uge [Eugene Domingo]. Di na kami makatulog sa tuwa na nandun si Gov. Vi, ngayon pa kaya na buong movie ay kasama ko siya, di ba?”

Kamusta ka eksena ang isang Vilma Santos?

“Siyempre kabado ako, pero pag medyo tumatagal nagiging smooth naman na siya ka eksena. Masaya na kami sa set, wala na yung tension tension na nararamdaman.”