Baby project ni Direk Lino Cayetano ang pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson titled I've Fallen For You na showing na sa September 26.
"We are happy that Direk Lino came on board for this project. He is very
meticulous, hardworking and it showed in this endeavor," ayon sa producer
ng pelikula na si Marizel Samson-Martinez.
Hindi lang ang mga fans nina Kim at Gerald ang nakaabang na sa nasabing
pelikula kundi maging ang pamilya ni Direk Lino. Pero may wish ang bagong movie
director na nali-link ngayon sa anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC
Concepcion.
"Sana noon pa ako gumawa ng pelikula para napanood ng Daddy ko," ang dasal ni Direk Lino, referring to his late father, former Senator Rene Cayetano. Namatay ang Senador noong 2003 dahil sa sakit niyang stomach cancer.
Base sa napanood naming rushes ng pelikula, hindi lang ito love story kundi may
aral din para sa mga pamilya anuman ang katayuan nila sa buhay. Kasama sa kuwento ng
pag-ibig ang values na kailangang mapanood ng mga kabataan lalo na sa panahong
ito.
"Nakakatuwa po ang characters namin dito ni Gerald. Very Pinoy at makikita
po natin kung paano na mag-isip ang mga kabataan ngayon at very real po ang issues na
tina-tackle po namin sa pelikula," kuwento ni Kim.
"Parents will definitely enjoy this movie not just because of the viewing
experience but also because they know na maraming mapupulot [na aral] ang kids nila dito. Kami
mismo we learned a lot from our characters and nagpapasalamat kami sa Star
Cinema for giving us a beautiful material," dagdag naman ni Gerald.
Sina Kim at Gerald ay mga batang parehong may pangarap at tutulungan nila ang isa't isa na abutin ang mga pangarap na iyon. Ngunit, may nakaraan ang kanilang mga magulang na siyang magiging hadlang upang magkatuluyan ang dalawa.
Ang pelikulang ito mula sa Star Cinema ay ipapalabas sa mahigit na 100 cinemas sa buong Pilipinas simula September 26. Bukod kina Kim at Gerald, mapapanood rin sa I've Fallen For You sina Albert Martinez at Chin-Chin Gutierrez.




