The Healing stars (from left) Kim Chiu, Vilma Santos, Janice de Belen, and Pokwang. The movie has been given 2 ratings by the Movie and Television Review and Classification Board: an R-13 and R-18 (Director’s Cut). Vilma says that she asked director Chito Roño to do a suspense-horror movie for her so she can offer something new to viewers.

Photo: Allan Sancon

Madalang gumawa ng pelikula ang Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto lalo na nang pumasok ito sa public service. Matatandaang ang kanyang huling pelikula ay ang In My Life, kunsaan kasama niya si John Lloyd Cruz at ang kanyang anak na si Luis Manzano. Muli na namang gagawa ng pelikula si Gov. Vilma para sa Star Cinema, kunsaan kasama niya sina Kim Chiu, Pokwang, Janice de Belen, Mark Gil, Daria Ramirez, at marami pang iba. 

Pero this time hindi drama kung suspense-horror ang kanyang gagawin na pinamagatang The Healing sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño. Sa July 12 presscon ng nasabing pelikula na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater ay masayang ikinuwento nina Direk Chito Roño at nang ilang cast members ang kanilang mga karanasan sa paggawa ng pelikulang ito.

Ang The Healing ay ipapalabas sa mga sinehan simula July 25. Nabigyan ito ng 2 ratings ng Movie and Television Review and Classification Board: an R-13 and R-18 (Director’s Cut).

Ayon kay MTRCB Chair Mary Grace Poe-Llamanzares, pinayagan nilang sabay ipalabas ang dalawang bersiyon ngunit magkaibang classifications ng The Healing: "to help the movie industry reach a wider audience" and "to allow the audience the freedom to decide the version they will patronize."

(CLICK HERE to read related article)
 

Ano ang aasahan ng mga manonood sa pelikulang The Healing?

Direk Chito Rono:
“Lahat ng main cast dito may highlights. Actually yung nakakatakot nga rito ay kung hindi nakakatakot yung mga eksena nila kaya I’ll make sure na bawat isa sa kanila ay magkaroon ng horror highlights, when you watch the movie, you can  easily understand kung bakit ganito kalaki ang assembly ng cast and dependable actors na isinama kay Ate Vi. Kasi lahat ng artista rito very important ang eksena nila. I assure you na lahat ng mga idols niyo ay may matinding horror highlights.”

What inspired you to make this movie para kay Ate Vi?


“Without revealing too much, what I basically did was, sa buhay ko, dumaan ako sa mga healer, hindi yung mga faith healer pero yung ibang klaseng healer, it’s more on spiritual healing like yung mga healing mass, healing session. Ang daming healers na lumalabas. Yun ang naging basehan ko sa pagbuo ng pelikula para kay Vi. Gusto niyang makakita ng mga taong masugid na sumusuporta sa kanya na kaya niya pa gumawa ng different movie. Muntik na siyang maging Darna sa pelikulang ito maniwala ka, sabi ko sa kanya ‘Takbo, Vi!  Takbo!’ It’s time to see Vi in this genre. Minsan niyo lang uli makita si Vi na gawin ang ganitong klaseng movie kasi ‘drama queen,’ siya eh. Kaya makikita niyong iba talaga ito. Na excite siya, kasi, sinabi ko sa kanyang ganito ‘yan Vi, tatakbo ka, tatalon ka. And she is very excited to do this.”

Ano ang mga roles ninyo sa pelikula?

Pokwang: “Isa po akong nurse dito, na talagang pangarap na pangarap kong mag Dubai, kaya lang po hindi ako pumapasa sa aking medical exam at doon na magsisimula ang lahat.”

Kim Chiu: “Ako naman po rito si Cookie, stepmom ko rito si Ms. Vilma Santos, daddy ko si Mark Gil.  Isa akong estudyante, may sakit ako rito, malalang sakit na hindi na gagaling. Gagaling man, pero kailangan ng maraming pera para gumaling ako. Yun nga dahil sa sakit ko humingi ako ng tulong kay Ate Vi para gumaling.”

Janice de Belen: “Ako naman rito si Cita, kaibigan ako ni Ate Vi, yung anak ko ay bulag, kaya dinala ko yung anak ko sa albularyo para magpa healing.”

Vilma Santos:

“Ako po rito si Seth, ako ang nagdala yata sa kanilang lahat sa kapamahakan, hinilingan lang naman nila ako at hindi ko kasalanan. Ako naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng mga kakaibang experience.

“I want something different kaya kinausap ko si Direk Chito Rono. Siguro pagkatapos pa lang nung Feng Shui (2004), nilambing ko na si Direk Chito sabi ko, ‘Direk, baka naman pwede mo ako gawan ng isang suspense-horror movie.’

“Kasi po, ang feeling ko naman in my entire life sa showbiz, parang yung role ko pare-pareho na rin, so naghahanap ako ng medyo may konting challenge, something new, kasi bihira na naman akong gumawa ng pelikula.

“Katatapos ko lang nung In My Life before nun yung Dekada ’70.  So parang naghahanap ako ng isang something new at noong napanuod ko yung Feng Shui, sabi ko parang interesting, sabi ko iba naman, yung suspense-horror. Hiniling ko ito kay Direk Chito and it took many years, nagawa ko na yata ang In My Life, bago sinabi ni Direk Chito na ‘Vi, nagawa ko na yung movie na bagay sa ‘yo.’”

Matatandaan na ang Feng Shui ay ang horror-suspense movie ni Kris Aquino na idinerehe rin ni Direk Chito Roño.

Paano napili si Kim Chiu para sa proyekto na ito?

“Nung nabasa ko na yung script, mayroon ng mga choices na cast members na nandoon. Tinatanong ni Ms. Malou Santoskung sino yung mga gusto kong makasama na magagaling na mga bagong Superstar ngayon, so naglagay ng mga pangalan doon and I chose Kim Chiu.

“Yun nga lang, ang kaibahan sa role ni Kim dito, wala yung usual na ginagawa niyang ‘love team, love team,’ iba yung karakter niya rito eh. At yun ang interesting para sa aming dalawa. But the fact, yung horror movie naman namin na ito ay not for anything, astig po yung mga kasama ko rito at hindi basta basta, because we all know kung gaano gumawa ng suspense-horror si Direk Chito Rono at ini-approve ng Star Cinema, so dito po nabuo ang The Healing.