guide

Director fulfills dream of doing a musical film; I Do Bidoo Bidoo will feature songs of the APO Hiking Society

by Ricky Calderon posted on August 13, 2012  STATS: 1049 Views | 0 Comments

The musical comedy film I Do Bidoo Bidoo stars (from left) Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Eugene Domingo, and Ogie Alcasid. They are joined in this photo by the film's writer-director Chris Martinez (rightmost).

Photo By: Noel Orsal

We can say na ambitious ang pelikulang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila from Unitel Pictures and Studio 5.  The musical comedy na ito ay naglalayon na magbigay tribute sa musika ng APO Hiking Society na ang mga dating miyembro ay sina Jim Paredes, Buboy Garovillo, at Danny Javier.


Award-winning director Chris Martinez wrote and directed the movie based on the idea of Unitel Pictures' top man Tony Gloria.


I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila has a powerhouse cast na marahil ngayon lang mapapagsama at baka hindi na maulit--Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Eugene Domingo and Ogie Alcasid, plus Sam Concepcion and Tippy dos Santos.


Ang musical comedy na ito ay tungkol sa teenage couple (played by Sam Concepcion and Tippy dos Santos) na nais nang magpakasal. Ngunit, hindi magkakasundo ang mga magulang ng dalawang bata sa katauhan nina Gary V at Zsa Zsa (mga magulang ni Tippy) at Ogie at Eugene (mga magulang ni Sam). Ano ang gagawin ng dalawa upang magka-ayos ang kanilang mga pamilya?

“Masaya pero actually, pressured na pressured ako na mas galingan kasi nakita ninyo naman ang kalibre ng cast--Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid and Eugene Domingo--so extra effort talaga na pagandahin ang movie na ito. Tapos, yung bawat shooting ay binantayan talaga," ani Direk Chris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent press conference ng pelikula. 

“Matindi talaga ang pressure pero habang nasa set, we were having fun, eh. Pag ang eksena, dialogue-dialogue lang, parang steady lang kami. Pero pag musical number na, pag kantahan na, nabubuhay kaming lahat. Yung lahat kami nakatutok dahil sa kantahan at sayawan. Pag iyon ang kukunan, lahat nang tao gising na gising at hyper na hyper," kwento pa ng director.

Except for Eugene Domingo, first time pa lang niyang nakatrabaho sina Gary, Zsa Zsa at Ogie. Ipina-describe namin kay Direk Chris ang bawat isa at kung ano ang pakiramdam working with each one of them.

“Si Gary, I am overwhelmed na nakatrabaho ko siya. Ang tingin ko sa kanya, he’s a gift in himself. Sa recording pa lang niya, na-overwhelm na ako. Kumakanta siya ng 'Batang-Bata.' Na-experience ko firsthand kung paano siya kumanta sa recording. Parang ang swerte-swerte ko na kasama siya sa cast at nakatrabaho ko siya.

“Si Zsa Zsa, totoo ang sinabi niya na she’s really the peg. Sa totoo lang, I really wrote the role for her. Sinulat ko talaga ang role, telling myself na si Zsa Zsa Padilla ito. Walang iba. So sobrang saya ko na pumayag siya, na tanggapin ang role kasi para talaga sa kanya.

“Si Ogie…Ogie is a comedian, songwriter, ganyan but dito, kanina sa presscon masyado tayong masaya, wala akong chance na sabihin ito but Ogie is a revelation. May mga dramatic scenes siya na gulat na gulat ako. Ganun ang attack niya. Totoo ang sinabi ni Uge na may laban si Ogie Alcasid dito as best actor. At talagang damang-dama mo ang acting niya

“When I wrote the script, naka-peg na rin si Uge as one of the stars. Masaya kami na tinanggap niya ‘yung role na ini-offer sa kanya. At saka para maiba rin naman ang ginagawa niya. Di ba lagi naman natin siyang iniiba-iba para hindi magsawa sa kanya ang tao. Kaya dito ay may singing, dancing at acting siya.

"Actually, medyo na-touch ako kasi she took it upon herself na mag-voice lessons talaga kasi siyempre hindi naman talaga siya singer. Without me telling her, on her own, kumuha siya ng voice lessons. Nag-prepare siya. Siya ang naghanap ng teacher niya."

Ano ang hindi mo malilimutan sa four major actors mo?

"Marami, eh, with Gary kasi, pag nandiyan si Gary talagang behaved kami. Ewan ko kung anong meron siya pero behaved kami. Seryoso, tahimik, bawal ang magulo, ganun. Mayroon siyang ganung presence. Lahat kami ganun pag nandiyan siya, maayos kaming lahat. Tapos siguro ang hindi ko malimutan kay Gary was when we did 'Batang-Bata.' That was actually the first scene that we shot. So he set the mood kung saan papunta ang pelikulang ito.  So sabi ko, 'ah oo nga.' It’s still dialogue kaya lang kinakanta. So yun ang din ko malilimutan with Gary V.

"With Zsa Zsa, di ko malimutan yung 'Tuyo Na'ng Damdamin' kasi yun yung may eksena siya sa bathtub. Sabi ko, ang ganda-ganda ni Zsa Zsa. Lahat kami tuwang-tuwa na kumakanta siya na nasa tubig. Lahat kami nakatingin sa monitor.  Yung image amg ganda-ganda.

"Kina Ogie at Eugene, yung love scene talaga, di ko malimutan kasi mga alas dos, alas tres ng madaling araw yun kinunan. Tapos tawa kami ng tawa. Kailangan niyo talaga itong panoorin kasi yung mga nakapanood, gumugulong sa katatawa. Ganoon siya ka-grabe."

Para kay Direk Chris, everyday na nasa set siya ng I Di Bidoo Bidoo is a challenge. Bawat kanta ng APO na ginamit nila sa pelikula was done as a big production number.

"Like what I said, bawat kanta pinagkaabalahan. Bawat song is a production number. Eh ang song, minimum na three days naming kinukunan so may mga eksena na hindi mga kanta. Malaki ang pelikula. Malaki ang production numbers. Maraming surprises na hindi pa nakikita sa trailer. At makikita mo lang talaga sa movie. Maraming gamit na sa shooting ko lang na-experience, and even technology. Gumamit kami ng motion control. May mga special effects din kami na gagamitin. Maraming bago na makikita ang manonood."

Direk Chris had a hand in choosing the stars of I Do Bidoo Bidoo. "Ang idea ko talaga is really to get actors, singers or dancers, the whole package kasi kakanta at sasayaw tapos aarte so ganyan caliber ang kailangan ko. Even with the casting of Sam and Tippy, kailangan ko na kahit paano ay may experience sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte nang sabay-sabay ginagawa. Yung kaya mag multi-task, eh, most young performers you can find sa theater so perfect si Sam and Tippy kasi galing sila roon. They look the part. Okay ako roon," kwento niya.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About