guide

Julia Montes on Enchong Dee: "Kinikilala ko pa rin yung tao hanggang ngayon."

by Allan Sancon posted on August 16, 2012  STATS: 11881 Views | 4 Comments

Julia Montes stars in the barkada movie The Reunion, which also stars Enchong Dee (left frame). The 17-year-old actress describes her rape scene with Walang Hanggan star Paulo Avelino (right) as "sobrang intense!"

Photo By: Allan Sancon (Julia-Enchong)

Isang “barkada” movie ang bagong handog ng Star Cinema.

Ito ang The Reunion na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Xian Lim, Enchong Dee, at Kean Cipriano. Kasama rin dito sina Julia Montes, Matt Evans, Jessy Mendiola, Megan Young, Bangs Garcia, at Cristine Reyes sa ilalim ng direksiyon ni Frasco Mortiz.

Noong August 14 ay nagkaroon ito ng premiere night sa SM Megamall Cinema 4, kunsaan present ang lahat ng cast, maliban kay Cristine Reyes.

Sa kabila ng malakas na ulan ay dinumog pa rin ng mga fans ang nasabing premiere night.

Ang The Reunion ay tungkol sa masaya at makulit na adventure ng isang barkada, na tampok ang musika ng legendary ‘90s Pinoy rock band na Eraserheads.  

Paliwanag ni Direk Frasco: “Ang The Reunion ay tungkol sa tunay na pagkakaibigan at pagtitiwala sa sarili. Tungkol ito sa mga kabataan ngayon. Iba na ang mga kabataan ngayon. Gusto nila laging mapakinggan, i-express ang mga opinion nila, at maging center of attention. Ang generation namin, walang social networking sites gawin ang lahat ng yun.” 

Ang storyline at characters ng pelikula ay inspired ng mga sikat na kanta ng Eraserheads, gaya ng “Minsan,” “Superproxy,’ “Toyang,” “Shirley,” at “With a Smile.” 

Ani Enchong, "Maswerte kami kasi binigyan kami ng pagkakataon na magbigay ng tribute sa Eraserheads. Alam naman natin na ang kabataan noon at ngayon, Eraserheads talaga yung pinakikinggan." 

Available na rin sa mga record bars ang The Reunion Eraserheads Tribute Album na tampok ang kilalang OPM bands na nag-perform sa mga di-malilimutang kanta ng Eraserheads.

Matapos ang premiere night ay nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataong makapanayam si Julia Montes sa cast party na ginanap sa Chef’s Quarter restaurant sa SM Megamall.

“Siyempre sobrang saya, in a way na kahit fun yun movie, nakakaiyak siya kasi,” sabi ng 17-year-old actress na si Julia.

“Di namin ini expect na ganun yung feedback nung tao, ganito kasaya yung reaksyon nung mga nanood. So, happy talaga ako na naging part ako ng The Reunion.


Kamusta na kayo ni Enchong after doing the movie, mas nadagdagan ba yung bonding at closeness ninyong dalawa?

Julia: “Hindi! Ganun pa din! (sabay tawa) Hahaha!”


Malapit ka nang mag-18, so handa ka na ba sa panliligaw ni Enchong?

Julia: “Hindi ko pa alam. Let’s see in the future…after my birthday.”


Meron bang chance si Enchong kung sakaling matuloy yung panliligaw niya sa ‘yo?

Julia: “Ayaw ko munang magsalita nang tapos, mamaya sabihin kong walang chance tapos makita niyo in the future na meron pala, so lets see, kasi kinikilala ko pa rin yung tao hanggang ngayon.”


Ano yung pinaka favorite na song mo dun sa The Reunion album na ginamit sa movie niyo?

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

4 Comments

  • swanlakegirl

    08/18/2012 | 02:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spotthedifference

    08/16/2012 | 11:31 PM
    without the cameras and lights, tingin ko bagay sila.parang parehong mabuti ang personality nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    thunder_1273
    08/17/2012 | 08:46 PM
    therefore... pag may cameras and lights... masama ang ugali nila?.... hahahahah!...
  • bantaybata

    08/16/2012 | 11:19 PM
    h'wag patulan si enchong d-arna julia! mas mahaba pa ang hair nyan sa'yo at ayaw magpahiram ng make-up niyan kaya nag-away sila ni erich. hahahhahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    thunder_1273
    08/17/2012 | 08:44 PM
    Ala na bang lalaki sa ABS?.... Kaya pala kinuha nila si Paolo avelino hahahahah!....
  • kalye

    08/16/2012 | 10:18 PM
    Ang laki laki ng mukha ni Julia.. hindi ata proportion eh..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About