guide

John Lloyd Cruz on lessons learned from The Mistress: "Mahirap magbigay ng comment kasi magre reflect yung sagot ko sa aking journey ngayon sa aking love life."

by Allan Sancon posted on September 3, 2012  STATS: 12510 Views | 10 Comments
Photo By: Allan Sancon

May sampung taon nang napapanood sa telebisyon at sa mga pelikula ang matagumpay na love team nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Hindi man naging sila sa totoong buhay, nakita ang magandang “chemistry” ng dalawa. Bilang engrandeng selebrasyon para sa  10th year na  anibersaryo ng love team nina John Lloyd at Bea, inihahandog ng Star Cinema ang kanilang pinakabagong pelikula na pinamagatang The Mistress.


Sa ilalim ng direksiyon ni Olivia Lamasan, ang pelikula na ito ay maituturing na mapangahas at matapang dahil tatalakay ito sa isang kalaguyo, kabit o number 2.


Ano ang first reaksyon mo Bea nang ini-offer sa ’yo ang movie na ito? Hindi ka ba nagdalawang isip na tanggapin ito?


Bea:
“Napatulala lang ako, sabi ko lang kay Direk [Olivia Lamasan], ‘Inang, natatakot ako! Pero gusto ko, gusto kong gawin.’ Kasi para bang na challenge ako na hindi pa ako nakakagawa  ng ganitong istorya before. Pero si Inang na nga rin nagsabi na magkakaroon ka ng hunger at thirst for the next level. Para sa ‘kin, isa siyang milestone sa career ko. Hindi ako nag e-expect nang kahit na ano pero yung  mabuo lang namin yung ganitong klaseng pelikula, yung may ganitong klaseng istorya, napakalaking bagay na sa ‘kin. It is something na  hinding-hindi ko po malilimutan, kaya I accepted the role right away. Parang ano pa ba yung perfect venue para ma explore mo yung next level, siyempre yung maka trabaho mo yung isang Direk Olivia Lamasan. That time hindi ko pa alam na si John Lloyd ang makaka trabaho ko, pero nung malaman ko, lalo na akong  napa-wow!  Kasi parang napaka blessed ko na nai-offer sa ‘kin ‘to.”


Kamusta ka trabaho si Bea sa pelikulang ito kumpara sa ibang pelikulang nagawa ninyo before?


John Lloyd:
“There are scenes, that I can only do with Bea,  as well as there are scenes that I can only do with Sarah [Geronimo] or Toni [Gonzaga], parang may kanya-kanyang styles.  Lately sa mga projects na meron ako like A Beautiful Affair [his teleserye with Bea], then itong The Mistress, yung mga hinihingi ng mga script na ito, parang sa tingin ko si Bea yung tama para sa hinihingi ng mga eksena nito. Nagpapasalamat ako na siya yung kasama ko rito, yun yung sinasabi ko na magagawa ko lang, kung paano ko siya na pini-picture na gawin kapag siya yung  kasama ko.”


Anong lesson ang mapupulot ng mga manonood sa movie n’yo na ito since ang topic dito ay tungkol sa kabit or kalaguyo?


Bea: “Na hindi lahat ng gusto mo kaya mong  kunin kasi yun ang para sa ‘yo. Kung ano yung binibigay sa ‘yo, may rason kung bakit yun  ang ibinigay sa ‘yo, at kailangan mong tanggapin. Love is about choices, life is all about choices and love is a choice. Kaya nga tayo binigyan ng utak ng Diyos para piliin natin kung ano ang tama, hindi kung ano lang yung gusto ng puso natin.”


John  Lloyd: “Siguro sa istorya ng pelikulang ito si Bea ang may pinaka malaking learning  sa pelikulang ito kasi dahil sa karakter niya, mula sa pamilya niya hanggang sa buhay pag-ibig niya. Mahirap lang magbigay ng masyado ng comment kung anong lesson natutunan ko dito kasi magre reflect yung sagot ko sa aking journey ngayon sa aking love life.


“Masasabi ko lang na napakahirap ng aking dinaanan sa karakter ko rito very instrumental yung aking personal relationship with the character, dahil yung karakter ko rito ay may matinding pinaghuhugutan, he has a very deep, wounded soul at ang daming gustong patunayan, ang daming gustong talikuran.


"Siguro pagdating sa larangan ng pag-ibig, gusto kong sundan yung sinabi ni Ate Vanessa Valdez [writer] kanina about freedom na: ‘With freedom you ought to do something good out of it hindi yung dahil gusto lang natin.’ Kumbaga dun sa story, ganun yung atake ng karakter ko, eh. Parang yung akin, basta gusto ko ay makukuha ko. Isa lang yung sa mga learnings sa mga natutunan ng karakter ko sa pelikula.”


Gaano ka daring yung mga eksena n’yo rito sa pelikula n’yo kumpara sa mga nagawa niyong pelikula?


Bea: “So far sa mga eksenang nagawa na namin, ito na yung pinaka matapang na ginawa ko or ginawa namin ni John Lloyd at no regrets na ginawa ko ito, kasi ito na yung perfect project para gawin ko ito. The moment na tinanggap ko ang proyektong ito alam ko na may gagawin akong mga ganung eksena.”


Pabirong sinabi ni John Lloyd: “Tinatanung ko pa nga kay Direk kung ipapakita pa niya yung pwet ko rito, eh, pinag iisipan pa niya. Kung maganda daw yung rehistro sa screen, why not? Otherwise, baka itago na lang daw po. (sabay tawa)


“Well, makikita niyo naman na yung ibang love scenes na ginawa na namin sa ibang pelikulang ginawa namin ni Bea, maging sa telebisyon in the ten years of our love team, hopefully dito sa bago naming pelikula ay makapagpakita kami sa audience ng bago, na hindi pa nila nakikita mula sa amin. Magpapakita kami ng bagong ‘posisyon’ (sabay tawa)…bagong posisyon ng camera.”


Sa tagal ninyong magka trabaho bilang loveteam,  sa paggawa ng daring na eksena, may ilangan pa ba sa  inyong dalawa?

Bea: “Wala na!”


John Lloyd:
“Wala na! Panay nga ang take advantage ni Bea sa akin.” (sabay tawa)

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  jed_raz8

    09/04/2012 | 03:49 PM
    pagbigyan n po ntin ang mga walang magawang kapuso n patuloy sa pag bash sa mga ABS artists. isa lng ibig sabihin nyan, higit sa bunga ang ABS stars kya patuloy n binabato ng mga yan. hahaha.. eh khit nman kc anong sabihin ng mga yan eh wla rin naman cla mggwa dhil patuloy n kikta at aarangkada ang ABS CBN at Star Cinema. ang star Cinema eh may monthly movie offering s atin pero ang GMA pminsan minsan n nga lng gumawa ng movie eh super duper flop pa. bkit nga ba nag pflop ang gma movies? kc nga may bayad eh ang mga diehard kapuso pang free tv lng. hahahaha... diba bruno aka hugo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aspire4736z

    09/04/2012 | 02:24 PM
    PEP pag si hugo sobra makapag bash ng kung sino sino dito ngaun binabash ko sya dinedeactivate comment ko. empleyado nyo pa ba si hugo a.k.a. bruno?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aspire4736z

    09/04/2012 | 02:20 PM
    PEP si hugo a.k.a. bruno palagi po nandito para mang gulo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BrunoEsmeralda

    09/04/2012 | 12:20 PM
    According to JLC, nahihirapan siyang magbigay ng comment kasi magre reflect yung sagot niya sa journey niya ngayon sa love life niya. Aba, sino naman sa NAKARELASYON ni JLC ang MAYROONG DOM? At ang pinakagrabe, may nakarelasyon pala siya na PUMATOL sa isang dirty old man.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:16 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:38 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/05/2012 | 03:40 AM
    actually c jlc mismo ang nagkarelasyon ng older , c angel aquino...
  • lhes2004

    09/04/2012 | 10:19 AM
    whoa! sobrang bitter c BRUNOESMERALDA sa abs-cbn! hahahaha! BWAHAHAHAHA! Manigas ka! wala kana magagawa dahil talaga naman magaling ang mga artista ng KAPAMILYA at lahat ng show basta abs-cbn paniguradong kikita at matataas ang rating!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/04/2012 | 11:29 AM
    basta abs cbn star cinema kikita panigurado tulad ng pureza, way back home, born to love, the healing-ing, dreamboy, first day high, thelma, sa iyo lamang, pacquiao the movie, the mother's story, etc etc etc.
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:17 PM
    bruno alam na alam mo talaga shows ng abs halata ka dos lang channel sa tv mo! wala kangf pang cable poorita mirasol
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:36 PM
    talagang kikita yan.. kaya nga pati bwakaw na inspirasyong ng aso ni san roque at ang captive ni brillante mendoza eh star cinema mag rerelease..... bakit d mo icompare yang mga flop ng star cinema sa flop ng gma... paramihan,,, for surw panalo ang gma films kc lahat ng pelikula ng gma films eh flop....
  • BrunoEsmeralda

    09/04/2012 | 07:14 AM
    NAKAKATULALA. NAKAKADIRI. BEA WITH LIPS TO LIPS KISSING SCENE WITH RONALDO VALDEZ. Identified na si papa Ronaldo Valdez sa mga role na bilang mabuting AMA, tapos etoh ngayon ay lumalabas na DOM siya ni BEA sa latest movie nila. NAKAKADIRI!
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    lifehouse232
    09/04/2012 | 11:24 AM
    That's what you call acting.
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/05/2012 | 03:40 AM
    haha at least ito for movies.. d tulad nila heart evangelista, rhian ramos at bea binene hahahaha
  • Kritiko07

    09/04/2012 | 12:00 AM
    The Mistress is as same level as Anak as dekada 70, madrasta and other BIG name movies syempre from star cinema yan,
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/04/2012 | 07:17 AM
    NOT REALLY. Hindi naman ginagamit ang katawan para magkapera ang role ni ate Vi sa Dekada, wala namang DOM si Sharon sa Madrasta. Yang STAR Cinema na yan, ano ba pumasok sa kukote at ganyan na ngayon ka LEWD ang tema ng mga movies nila.
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:41 PM
    inggit much ka sa star cinema. palibhasa ang gma films mo walang maisip... may utak kaba,, kung masama at walang kwenta ang films ng star cinema eh d sana katulad sila ng gma films na puros flop ang pelikula at hinde makapagproduce
    GMA7akoFOREVER
    09/04/2012 | 03:29 PM
    alam kc nila nakakarelate ang mg FANTARDS pg ganyan story.
    monjuaquin10
    09/05/2012 | 03:41 AM
    how about temptation of wife hahaha
  • Kritiko07

    09/03/2012 | 11:58 PM
    even here in america excited na lahat, ang mga shout out sa facebook, linya ng mistress, pero since trailer palang cgurado, madadagdagan pa mga linyang maapopost sa FB mula sa ,mistress, haist buhay kapaamilya, ang sya.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/04/2012 | 07:18 AM
    yung mga excited sa amerika ay mga tauhan at empleyado ng ABS CBN tfc, ilan lang yun. hindi naman puro TSISMIS ang ginagawa ng mga desenteng Pilipino sa Amerika, ano ba kayo.
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:43 PM
    pano mong malalaman eh hanggang dian lang sa kamuning ang nararating mo bruno.. hanggang dian ka lang sa opisina ng gma sa pep building hahha
  • lifehouse232

    09/03/2012 | 07:45 PM
    Mahina ang P100m dito sa dami ng kakilala kong nagaanticipate sa The Mistress.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/04/2012 | 07:21 AM
    mahina pa rin at KULANG pa rin for ABS CBN and Star Cinema, because currently they need P15billion plus to settle their CURRENT obligations by end of December 2012.
    lifehouse232
    09/04/2012 | 11:25 AM
    Bitter ka lang BrunoEsmeralda kasi mahuhulog na naman sa Top 10 Highest Earning Movies for 2012 yung ibang flop films produced by other production outfits.
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:44 PM
    long term po ang utang ng abs just like ang utang ng ayala, san miguel at sm holdings... baka ang sinasabi mong kailangan ng pera ay gma para hnde namaipagbili by th end of 2012 hahaha
  • ako_si_nyok

    09/03/2012 | 07:30 PM
    ndi pa man napapalabas trending na agad.. box office na naman toh.. looking forward to watch this!!
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    BrunoEsmeralda
    09/04/2012 | 07:22 AM
    THIS movie should be rated X, because of its very sensitive and IMMORAL theme of BEING a MISTRESS.
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    aspire4736z
    09/04/2012 | 02:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    monjuaquin10
    09/04/2012 | 02:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    GMA7akoFOREVER
    09/04/2012 | 03:31 PM
    para ikaw dyan k lang din nakakain sa comment mo. iyan ang story kc yan ang nakakarelate ang mga fantards.
    monjuaquin10
    09/05/2012 | 03:42 AM
    mistress ng older guy.. what an actress bea alonzo... c bea binene as is lang d klangan umarte.. dba topacio

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About