[x]


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang members of the press si Vice Ganda, sinabi ng komedyante na kampante siya na magiging blockbuster hit ang This Guy's in Love With You, Mare.


Mukhang nagkatotoo ang winika ni Vice dahil umabot ng P23 million ang kinita ng pelikula sa opening day nito kahapon, October 9. Ito ay ayon kay Mico del Rosario, ang advertising and promotions manager ng Star Cinema.


Tanong ng press noong October 9 sa premiere sa SM Megamall: tingin ba niya ay magiging box-office hit ito tulad ng kanyang huling pelikula na Praybeyt Benjamin? Ang comedy film na iyon ay kumita ng mahigit P300 million at tinuturing na highest grossing Filipino film of all time.

Sagot ni Vice, “Marami ang nagsasabi na another blockbuster hit raw. Sana magdilang-anghel kayong lahat.

"Pero kampante naman ako lalo na’t napanood ko ang finished product namin.

"Hindi nasayang ang lahat ng pawis at puyat namin.

“Feeling ko kakabugin niya talaga kasi ang Benjamin, ako lang naman yun at si Derek [Ramsay].

"Eh, ito tatlo kami na nagtulong-tulong [referring to Toni and Luis]. Kaya mas malakas ang impact nito.”


Co-produced by Star Cinema at Viva Films, ang comedy film na ito ay may unique na love triangle story tungkol sa isang babae, isang lalaki, at isang nagpapakalalaki.

 
Kung kailan handa nang mag-move on si Lester (Vice) mula sa masaklap na break-up nila ng long-time boyfriend niyang si Mike (Luis), bigla niyang matutuklasan ang tunay na rason ng paghihiwalay nila—si Gemma (Toni), ang girlfriend ni Mike na malapit na niyang pakasalan.
 

Sa ngalan ng paghihiganti, kaya bang mag-transform ng isang mare bilang lalaking maton at paibigin ang girlfriend ng kanyang ex-boyfriend?


May international regular screenings ang TGILWYM sa Micronesia Mall sa Guam (Oct 12-19); Pearlridge West Theatres sa Hawaii (Oct 19-25); Regal Village Square Stadium sa Las Vegas (Oct 19-25); UA Horton Plaza sa San Diego (Oct 19-25); Parkway Plaza Stadium 12 sa Seattle (Oct 19-25); Clearview Bergenfield Cinemas sa New Jersey, Bergenfield (Oct 19-25); Clearview Allwood Theatre sa New Jersey, Clifton (Oct 19-25); Century Great Mall sa Milpitas (Oct 19-25); Century at Tanforan sa San Bruno (Oct 19-25); Century 25 sa Union City (Oct 19-25); at sa Pickwick Theatre sa Chicago (Oct 19-25).

 
Ang pelikulang ito ay sa ilalim ng direksyon ni Wenn Deramas, na siya ring nagdirehe ng past box-office hits ni Vice Ganda na Petrang Kabayo (2010) at Praybeyt Benjamin (2011).


Kasama rin sa This Guy's In Love With You Mare sina Edgar Mortiz, Buboy Garovillo, Gladys Reyes, DJ Durano, Karla Estrada, Carla Martinez, at Ms. Tessie Tomas. Kasama rin sa pelikula sina Jayson Gainza, Eagle Riggs, Ricky Rivero, IC Mendoza, Dang Cruz, Cecil Paz, Manuel Chua, Ricci Chan, Lassy, Tess Antonio, at Edward Mendez.