Sa pagbubukas ng 2013, isang muscular Enchong Dee ang kita sa cover ng January 2013 issue ng Metro Magazine The Body Issue. Topless ang ABS-CBN actor at may mga shots kunsaan swimming trunks ang suot nito. Sa January 6 launch ng nasabing magazine na ginanap sa Prive Bar sa The Fort ay makapanayam ng PEP.ph ang aktor tungkol sa Tuhog, ang kanyang bagong movie na ginagawa.

Paano mo pinaghandaan ang photo shoot mo sa magazine cover mo na ito?

“Hiring a trainer para talagang may magpu push sa ‘yo. Eat anything you want still pero you have to work-out harder.

“I run, I bike, swim, go to the gym.”

“As much as possible kung kinakaya ng schedule ko, pinipilit kong pumunta sa gym 3 times a week.”

Can your fans expect more daring roles from you sa mga next projects mo?

“O yes, definitely, I want to try something new, something different, siyempre you can’t stay forever doon lang sa kung ano yung nagustuhan sa ‘yo ng tao, you have to discover something new every now and then… in the things that you can do.

“Even doon sa mga roles na darating, I gonna make sure na it is something unusual. Like for the next movie na gagawin ko, ang theme nya ay very teenager na wild yung pag-iisip, parang ganun.”

Ano ang next movie mo?

“Yung Tuhog under Star Cinema na si Direk Ronnie Velasco ang magdi direk. It is a dream come true project for me kasi nga makakasama ko si Eugene Domingo and at the same time kung ano yung nakikita nila rito,  na kung gaano ako ka daring sa magazine na ito sa  Metro Magazine The Body Issue will translate to that project.”

Please us something about the movie.

“Siguro I can say that it is a dark comedy…you will laugh pero malalim kung bakit ka matatawa, dahil sa istorya, hindi siya basta comedy lang, medyo may lalim.”

Sino pa yung makakasama mo sa movie na ito aside from Eugene Domingo?

“Makakasama ko rin rito sina Leo Martinez, Jake Cuenca, Empress Schuck at marami pang iba.”

Please tell us something about your role sa Tuhog?

“Isa akong teenager na may erotic na pag-iisip, wild!”

Hindi ka ba kinakabahan na maka trabaho si Eugene Domingo kasi alam naman nating lahat kung gaano kagaling na aktres si Uge?

“Of course, kinakabahan din definitely,  pero siyempre we need to help each other, kung ano yung mga alam niya at kung ano yung mga alam ko, pagsasamahin namin, at tingnan natin kung ano yung kalalabasan ng pelikula namin.”

Gaano ka ka-daring at sexy sa movie na ito and how far can you go sa pagpapa sexy  sa mga  next project mo?

“Kasi iba yung nagpapasexy na at iba yung natural na sexiness na lumalabas, I think in this movie it’s very natural,  kasi everyone undergo to these kind of puberty, adulthood…so dadaanan yung topic na yun sa movie na ito.”

Bakit Tuhog ang title nung movie nyo?

“Because of the accident, accident siya, nothing erotic about the title pero it’s an incident that will happen sa movie.”

Ikaw Enchong, how far can you go sa pagpapakita ng iyong sexy body?

“Yan ang kailangan ko pang i-discover sa sarili ko…I don’t know yet, pero soon I can answer that question.”

Ano naman ang masasabi mo sa kinalabasan ng result ng last movie mo sa Metro Manila Film Festival na The Strangers?

“Well, hindi rin namin ini expect na ganun din ang kalalabasan nung result, pero we’re very, very happy na rin dun sa naging result, kasi we are targeting lang na sana hindi mag bottom two pero at least nag number four pa siya. Masaya na rin kami dun, yun lang ang ina achieve namin na nakuha na namin yun. And it’s a good experience for me yung character ko dun, saka first time ko sa MMFF.”