Academe-based group Gawad Pasado has chosen Nora Aunor as the Pinakapasadong Aktres for Thy Womb while the Pinakapasadong Aktor awards will be shared by Jorge "ER" Estregan (middle) for El Presidente, Eddie Garcia for Bwakaw, and Bembol Roco (not in photo) for Thy Womb.

Tatlong pelikula lamang ang pumasa sa panlasa ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro sa hanay ng napakaraming pelikulang kinilatis at pinanood nila noong nakaraang taon.

Ang mga pelikulang ito ay ang El Presidente ng Scenema Concept at Viva Films, Thy Womb ng Centerstage Productions at Bwakaw ng APT Entertainment at October Train Production.

Ang mga pelikulang nabanggit kasama ang pagganap at aspetong teknikal ng mga ito ang pararangalan sa pagdiriwang ng samahan sa kanilang ika-15 taon ng Gawad Pasado. Gaganapin ang awards night sa April 27, 2013 sa ganap na ika-6 ng gabi sa National Teachers College Manila.

Ang El Presidente ay may pinakamaraming awards na napanalunan. Nakakopo ito ng siyam habang pumapangalawa naman ang Thy Womb na may pitong awards. Ang Bwakaw naman ay nakakuha naman ng lima.

Ang 7th Asian Film Awards Best Actress at Best Actor na sina Nora Aunor at Eddie Garcia (ka-tie sina Bembol Roco at Jeorge Estregan Jr) ang mga nagwagi bilang Pinakapasadong Aktres at Aktor ng PASADO ngayong taon para sa kanilang pelikulang Thy Womb at Bwakaw.  

Narito ang kabuuang listahan ng mga nanalo at special awards para sa mga PINAKAPASADO SA Taong 2012.
 

PINAKAPASADONG PELIKULA

El Presidente ________ SCENEMA CONCEPT INTERNATIONAL
Thy Womb ___________ CENTER STAGE PRODUCTION
Bwakaw ____________ APT ENTERTAINMENT/ OCTOBERTRAIN FILMS


PINAKAPASADONG DIREKTOR
Brillante Mendoza (Thy Womb)


PINAKAPASADONG AKTRES
Nora Aunor (Thy Womb)


PINAKAPASADONG AKTOR
Jorge "ER" Estregan (El Presidente)
Eddie Garcia (Bwakaw)
Bembol Roco (Thy Womb)


PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTRES
Lovi Poe (Thy Womb)


PINAKAPASADONG  KATUWANG  NA AKTOR
Cesar Montano (El Presidente)
Soxy Topacio (Bwakaw)


PINAKAPASADONG SINEMATOGRAPIYA
Carlo Mendoza (El Presidente)

PINAKAPASADONG EDITING
Lawrence Ang (Bwakaw)

PINAKAPASADONG DULANG PAMPELIKULA
Jun Robles Lana  (Bwakaw)

PINAKAPASADONG ISTORYA
Henry Burgos (Thy Womb)

PINAKAPASADONG  DISENYONG PAMPRODUKSYON
Danny Red, Joel Bilbao (El Presidente)

PINAKAPASADONG PAGLALAPAT NG TUNOG
Albert Michael Idioma, Addiss Tabong (El Presidente)


PINAKAPASADONG MUSIKA
Jesse Lasaten (El Presidente)

PINAKAPASADONG PELIKULA SA PAGGAMIT NG WIKA
Thy Womb


MGA NATATANGING GAWAD NG PASADO SA 2012


PASADO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD
(Dangal ng PASADO) Ms. Susan Roces

PinakaPASADOng Natatanging GURO
Boy Abunda   

PinakaPASADOng Pelikula sa Paggamit ng WIKA
Thy Womb
(Center Stage Entertainment Inc)

PinakaPASADOng Dangal ng KABATAAN
Jake Vargas
Barbie Forteza

PinakaPASADOng Huwarang Kabataang Pilipino
Kesz Valdez

GAWAD PASADO SA SERBISYO PUBLIKO
Sen. Lito Lapid