Marian Rivera and Dingdong Dantes have started shooting for their first film together, GMA Films and Regal Entertainment's One True Love. Also starring Iza Calzado, the movie is scheduled to be shown on November 19. Photo: Noel Orsal

Ngayong araw na ito, September 24, officially nagsimula ang shooting ng pelikulang One True Love. Ito ang kauna-unahang pelikula na pagsasamahan ng isa sa mga hottest love team ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

           

Tampok din si Iza Calzado sa One True Love, a joint venture of GMA Films and Regal Entertainment under the direction of Direk Mac Alejandre. Originally, last August pa sana ang playdate ng movie dahil birthday offering sana ito ng tatlong bida na sina Dingdong, Marian, at Iza dahil pare-pareho silang August celebrators. Pero na-move na nga ito nang move at finally, sa November 19 na raw talaga ang playdate nito.

           

Sa may bandang Marcos Highway ginanap ang first shooting day ng One True Love. Nauna raw ang call time nina Dingdong at Iza, along with other cast members like Pinky Marquez, Chinggoy Alonzo, ang Bianca King. Si Marian naman daw ay bandang hapon pa ang call time.

 

Kahapon, September 23, ay nasa taping naman ng Dyesebel sina Dingdong at Marian kaya lagare ang dalawa sa taping at shooting hanggang sa matapos ang taping ng Dyesebel sa susunod na buwan.

           

Balitang November din ang playdate ng Star Cinema movie nina Piolo Pascual at Angel Locsin kaya may posibilidad na makasabay ang showing nito sa One True Love. Although, ayon kina Dingdong at Piolo, sana raw ay hindi talaga magkasabay ang kani-kanilang mga pelikula para pareho silang makinabang.

           

Samantala, isang reliable source ang nakapagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na break na diumano si Marian at ang rumored boyfriend nitong non-showbiz model na si Ervic Vijandre. Ayon sa aming source, na may koneksiyon kay Marian, kung totoo man daw na wala na sina Marian at Ervic, kapansin-pansin naman daw ang kakaibang closeness at sweetness nina Dingdong at Marian tuwing magkasama sila.

 

Pero ang malaking tanong ay paano na ang relasyon ni Dingdong sa kanyang girlfriend na si Karylle? O sadyang very close lang sila Dingdong at Marian dahil sa tagal na rin ng pagsasama nila bilang magka-love team?