Jose Manalo and Wally Bayola are lead stars in "Scaregiver"

Dinno Erece
Wednesday, October 08, 2008 @ 09:40PM  |  73 views

(From left) Iza Calzado, Paolo Contis, and Ehra Madrigal play supporting roles in Scaregiver, a horror-comedy produced by APT Entertainment. Their characters work in a mental institution called Instituto de Lukrezia.
Photo By: Noel Orsal














APT Entertainment returns to horror-comedy with Scaregiver.

Almost one-fourth na ang natapos sa principal photography ng pinakabagong pelikula ng pelikulang Scaregiver na nagkaroon ng set visit noong Linggo ng hapon, October 5, sa isang abandonang warehouse sa may Muñoz, Quezon City. Ang APT ay ang film arm ng TAPE na siyang producer ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Nasa kalagitnaan ng take si Uro dela Cruz, na siyang director ng pelikula, nang dumating ang PEP kung kaya't wala pa munang pinaupong artista kaya sa line producer na lang muna kami nagpakuwento.

Ang Ispirista: Itay, May Moomoo nina Vic Sotto at BJ Forbes ang unang full-length film at solo production ng APT Entertainment na ipinalabas noong 2005. Isang horror (Txt) at isang animation (Urduja) ang isinunod na iprinodyus ng APT. Ang Ispirista ang unang pagsasama nina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga sidekicks ni Vic although nagkasama na rin sila Okay Ka Fairy Ko: The Legend noong 2004.

Tatlong taon ang nakalipas, hindi lang sidekicks kung hindi sina Jose at Wally na ang mga bida sa Scaregivers.

Kuwento ito ng dalawang inosenteng napagbintangan sa isang krimen. Dahil alam nilang wala silang kasalanan, kaysa makulong sa presinto, nagpanggap silang mga luko-luko kung kaya't sa isang mental institution sila dinala. Doon, naging katulong sila ng namumuno doon dahil dati silang mga caregivers. Ang hindi nila alam, hindi lahat ng mga nandoon (mga nurses at mga pasyente) ay buhay dahil ang iba sa kanila ay mga multo na.

Pumayag ang mga artistang tulad nina Iza Calzado, Paolo Contis, Ehra Madrigal, at Edgar Allan Guzman na suportahan sina Jose at Wally sa kanilang unang pagbibida.

Nurse ang papel nina Iza at Ehra at isa namang pasyente si Paolo na pinagdududahang killer.

Nang umupo na sina Jose at Wally, ang unang tinanong namin ay baka magalit sa kanila si Sharon Cuneta dahil sa titulo pa lang, parang spoof na ito ng Caregiver niya. Nagkataon pang si Chito Roño ang director ng Caregiver na noon ay nagtampo dahil ang titulo ng horror film niyang Sukob ay naging comedy na Pasukob.

Nagpaliwanag sina Jose at Wally na hindi ito spoof ng Caregiver, nagkataon lang mga dati silang caregiver ngunit wala dito ang sentro ng istorya kungdi sa mga kakatakutang nangyayari sa mental institution.

"Kasi doon tagabigay siya ng care, kami rito tagatanggap ng scare sa mga multo," paliwanag ni Jose.

Isa pa, tiyak naman daw na kakausapin ni Mr. Antonio Tuviera si Megastar tungkol sa titulo ng pelikula. Malapit si Sharon sa mga Tuviera at maiintindihan daw nito na hindi isang spoof ang Caregiver.

Nakatakdang ipalabas ang Scaregiver sa November ngunit hinahanapan pa ng tamang play date. May Iza movie rin kasi ang GMA Films na One True Love at may horror movie pa rin ang GMA Films na Sundo na parehong hinahanapan pa rin ng tamang play date na baka ipalabas by the end of October or November.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name