Ogie Alcasid to play a princess in the sequel of "Desperadas"

Archie de Calma
Thursday, November 13, 2008 @ 05:38PM  |  3523 views

  "I got so surprised. Hindi gay role ito. I will really play the role of a full-blooded female, na half-sister din nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera, and Rufa Mae Quinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas," says Ogie Alcasid about his role in the upcoming Desperadas.
Photo By: Noel Orsal















Minsan lang kung gumawa na ng pelikula si Ogie Alcasid. Aminado ang singer-comedian-songwriter na dumating siya sa puntong kailangang mamili na ng film assignments dahil okupado na ang oras niya sa rami ng commitments niya sa TV. Guaranteed contract ang pinirmahan ni Ogie sa GMA-7 kaya ilang taon ding hindi siya mababakante at tiyak na mayroon siyang mga gagawing proyekto rito.

"Sa pelikula ako medyo tagilid nang konti," sabi pa ni Ogie sa panayam with PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi na basta nagpo-produce ang malalaking studios. Mayroon sana kaming gagawin ni Regine [Velasquez] sa Viva Films, pero hindi na nag-materialize. Iba't ibang factors ang dahilan. Yung schedule namin, yung mismong material na talagang pinag-aaralan naming mabuti bago tanggapin."

Hindi ba siya na-disappoint na hindi natuloy yung project with Regine?

"Siyempre, medyo nanghinayang. Pero, wala naman akong magagawa roon. Mahirap humanap ng time para magkasabay kami sa schedule dahil may iba pa siyang commitments. Ako ay ganoon din, kaya kung matuloy man kami ni Regine, it will really take time.

"Iniisip ko na lang, if it's not meant to be, hindi talaga. May ibang opportunties for me and Regine na darating. Baka nga hindi pa panahon para gumawa kami ng movie together," lahad pa ni Ogie.

PLAYING A PRINCESS. Biglang-bigla ang pagpasok ni Ogie sa cast ng Desperadas 2. Si Ogie ang pumalit kay Eugene Domingo sa original cast pero nag-back out ito for some reasons.

"I got so surprised," banggit ng singer-comedian. "Hindi gay role ito. I will really play the role of a full-blooded female, na half-sister din nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera and Rufa Mae Quinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas.

"Nang mabasa ko yung script, approved agad ako. It's a very challenging role. Babaeng-babae talaga ako sa movie na 'yan, who happens to be a princess from a remote island somewhere near Africa. Basta ganoon. Madi-discover na lang ng mother namin [as played by Nova Villa] na nagkaroon siya ng anak sa isang royalty, at ako yun," sabi pa ni Ogie.

Kung tutuusin, iikot kay Ogie ang katatawanan sa Desperadas 2 at walang problema rito dahil may rapport siya sa mga nasa cast nito, who are all happy to have him.

"May kanya-kanya pa ring kuwento sina Ruffa, P-chi [Rufa Mae], Iza, at Marian sa movie. Pansahog lang ako para may bago naman. Alam kong mahirap para sa akin ang mag-portray ng babae dahil iba ito sa bading-badingan lang. I should really emote, speak, think and move like a real woman," natatawang sabi pa ni Ogie.

Tiyak na may inputs si Regine sa pagpo-portray niya ng babae sa Desperadas 2. the same way, na pagdating sa dead-pan expression sa comedy, inamin ni Regine na malaki ang impluwensiya ni Ogie sa kanya.

"Ganoon naman kami ni Regine, hindi lang mga personal na bagay ang naise-share namin sa isa't isa, pati na siyempre yung sa kanya-kanyang career, nababanggit lang namin. Although, we don't meddle in each other's career, lightly napapag-usapan namin ang ganito paminsan-minsan.

"Sabi ni Direk Joel [Lamangan], hindi raw ako kinuha for Desperadas 2 dahil lang sa gumaganap ako ng female characters sa Bubble Gang. Ibang-iba kasi ang movie. Realistic comedy yun about relationships and other serious matters, kung tutuusin. Kaya medyo kinabahan ako dahil kailangang iba at mas seryoso ang atake ko, and at the same time, kailangang lumabas na nakakatawa," patuloy ni Ogie.

Frustration ni Ogie ang serious comedy sa pelikula. Muntik na silang magkatrabaho ni Direk Joel sa Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Moveeh) noon, pero nagkaroon ng hassle. Dapat ay nakapag-drama rin si Ogie sa Boses nang ialok sa kanya ang role ng violin teacher sa acclaimed indie film na dinirek ni Ellen Ongkeko-Marfil, pero hindi rin siya natuloy roon.

"May rason talaga kaya hindi ako natutuloy kapag may ganyang offer, gaano ko man kagusto yung material. Tinatanggap ko na lang na ganoon. Kasi, marami pa ring dumarating. In life, that has been my principle, kaya hindi ako nade-depress," patuloy ng komedyante.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name