Child actor Nash Aguas lends his voice in the animated film "Dayo"

Rose Garcia
Sunday, December 21, 2008 @ 10:43AM  |  288 views

  "Yung mga cartoons po, napapanood ko po, iniisip ko po kung sino yung mga nagbo-boses. Tapos po, ngayon, ako po yung magbo-boses kaya excited po ako na magawa ko po ito," says child actor Nash Aguas.
Photo By: Noel Orsal














Ang boses ng child actor na si Nash Aguas ang ginamit para sa character ni Buboy sa animated film na Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi naman daw nahirapan si Nash dahil hindi kinailangang baguhin ang boses niya katulad ng ibang characters sa pelikula.

"Excited po ako, tapos first time ko pa po," sabi ni Nash sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yung mga cartoons po, napapanood ko po, iniisip ko po kung sino yung mga nagbo-boses. Tapos po, ngayon, ako po yung magbo-boses kaya excited po ako na magawa ko po ito."

Naruto at Ben 10 daw ang paborito niyang cartoons or anime na pinapanood.

Hindi na raw dumaan si Nash sa audition to dub the voice of Buboy. In a way, feeling daw niya ay nakaka-relate din siya sa character na binigyan ng boses.

"Parehas kasi kami na matatakutin sa mga manananggal, sa mga multo," banggit ni Nash. "Tapos po, yung pagiging makulit. Kaya lang po, yung walang bilib sa sarili, siguro yun. Si Buboy po kasi, wala po siyang bilib sa sarili. Nang magpunta lang po siya ng Elementalia, noon lang po siya nagkaroon ng bilib sa sarili."

Hindi naman daw siya nahirapan na maging voice talent.

"Hindi ko naman po kasi iniba ang boses ko, unlike yung iba po. Kaya po hindi naman po ako masyadong nahirapan. Actually, bago po talaga ko magpunta sa recording, kinakabahan po akong talaga. Yun po pala, yung boses ko lang po pala talaga ang babagay kay Buboy," lahad ng child actor.

Wish ni Nash na sana raw ay panoorin ng marami ang Dayo.

Kung siya ang tatanungin, ano sa palagay niya ang dapat abangan ng mga manonood para ang pelikula nilang Dayo ang panoorin among all the filmfest entries?

"Sana po, manood po sila ng Dayo dahil first digital animated movie po ito ng Filipino po. Sana po, panoorin naman nila ang gawang Filipino. At sana po, panoorin po nila dahil pinaghandaan po talaga. Pinaghirapan po ito 24 hours kaya maganda po talaga ito," saad ni Nash.

HEIGHT MATTERS. Sa press conference ng Dayo sa Ratsky's Bar sa Tomas Morato last Thursday afternoon, December 11, napansin ng entertainment press na tila hindi masyadong tumatangkad si Nash magmula nang manalo siya sa Star Circle Kid Quest noong 2004.

Pero dinepensahan naman ng child actor agad ang observation sa height niya. "Hindi naman po. Tumatangkad naman po ako, e.  Dati po, 3'11" lang po ako or 3'10", pero ngayon po, nasa 4'3" na po ako," sabi ng 10-year-old child actor.

Hindi ba siya natatakot sa sinasabi ng iba na kapag nag-aartista ang bata, kadalasan ay hindi sila gaanong lumalaki?

Kuwento ni Nash, "Sabi po ni Kuya PJ, ni Kuya Piolo Pascual, noong siya raw ay 10 years old, maliit lang din daw po siya. Pero noong nag-circumcise na raw po siya, tumangkad na raw po siya agad.

"Natutulog naman po ako ng 10 hours. Natutulog naman po ako ng kumpleto!" natatawa niyang sabi.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name