Kahit si Ai-Ai delas Alas ay nagulat sa malaking tagumpay na inani ng kanyang pelikulang Ang Tanging Ina N'yong Lahat, na official entry ng Star Cinema ngayong taon sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon sa naunang report ay tumabo diumano ng P20.9 million ang pelikula ni Ai-Ai noong first day of showing upang pangunahan ang iba pang pelikulang kalahok. Sinasabing malaki ang naiambag ng nasabing figure para umangat din ng 37 percent ang total gross ng 2008 MMFF.
"Overwhelming. Hindi namin inaasahan na ganun, first time kong naramdaman na meron palang ganung first day na digit. So salamat sa Panginoon, salamat sa Star Cinema, at saka sa lahat ng kasama namin sa pelikula. Nagpapasalamat po kami sa inyong lahat," pahayag ni Ai-Ai noong December 27, ilang minuto bago tuluyang magsimula ang awarding ceremony ng 34th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Sofitel Harbor Tent sa Pasay City.
FEELING GRATEFUL. Malaki ang pasasalamat ni Ai-Ai sa publiko sa walang sawang pagtangkilik sa Tanging Ina franchise.
"Salamat sa lahat ng sumusuporta at patuloy po na nanonood ng Ang Tanging Ina N'yong Lahat. Thank you po, wala akong salita para masabi kung gaano kami kaligaya, kung gaano kami ka-thankful, kung gaano po ako nagpapasalamat sa inyong lahat para sa suporta ninyo po na ibinibigay sa pelikulang Pilipino, lalong-lalo na po sa Ang Tanging Ina N'yong Lahat," saad ni Ai-Ai.
Aminado si Ai-Ai na kinabahan siya noong una dahil hindi lang ang pelikula niya ang comedy entry ngayong taon. Hindi rin siyempre biro ang makipagsabayan sa legendary trio na sila Tito, Vic and Joey, na tampok sa Iskul Bukol: 20 Years After.
"Hindi ko naman alam kung bakit nangyayari ‘yan," sambit ni Ai-Ai patungkol sa strong showing ng kanyang pelikula. "Sabi ko nga, di ba, ‘Thy will be done.' Kung ano na lang gusto ng Diyos, ‘yon na lang ‘yong sinusunod ko. Minsan nga, hindi ko na nararamdaman [kung] ano ba'ng nangyayari. Tinatanggap ko na lang lahat. Ang masasabi ko na lang, e, salamat po ng marami."
Magandang regalo na rin, hindi lang kay Ai-Ai kundi para sa lahat ng bumubuo ng Ang Tanging Ina N'yong Lahat ang naging mainit na pagtanggap ng publiko sa proyekto.
Hopeful naman si Ai-Ai na mas magiging maganda ang 2009 para sa lahat.
"Sana next year will be a better year kahit na medyo meron tayong global crises," sabi ng magaling na komedyante. "Pero alam mo naman ang mga Pilipino sanay sa hirap, kaya kahit mahirap parang normal na lang."





sobra cgurong panghinayang ni sarah kung masungkit ni ai ai, halos nasa mga kamay na nya nawala pa, hehe
kulelat ang movie ni marian, halatang walang hatak sa movie goers ang so called phenomenal star ng gme....tsk tsk tsk
ngayong tapos na ang official tally ng MMFF, simula na naman ng PADDINGness activity ng star cinema.
aware naman ako na successful ang tanging ina 3. pero hindi naman mega hit tulad ng inaasahan ng star cinema.
si ai ai nga ba ang pinanood OR yung concept story ng tanging ina? same with twilight movie, yung lead stars ba ang talagang pinanood or yung tema ng istorya. same can be said to LOTR.
parang kelan lang, so-so lang ang kita ng mga movie ni ai ai with robin and with bong revilla. aminin!