Robin Padilla's Sundo will open on March 18

Nitz Miralles
Sunday, March 08, 2009 @ 05:00PM  |  270 views

The horror film Sundo, starring Robin Padilla (in photo) will have its premire on March 17 at SM Megamall. It will be screened in cinemas nationwide starting March 18, 2009.
Photo By: Courtesy of GMA Films














Sa Sundo ng GMA Films natupad ang matagal ng balak nina Robin Padilla at Direk Topel Lee na magsama sa isang project. Nagkakilala ang dalawa nang gumawa ng TVC o TV commercial ang actor na dinirek ni Topel at ‘dun nagsimula ang kagustuhan nilang mag-collaborate either sa TV o movies. Natapos na ang kanilang pelikula at magsisimulang mapanood ang Sundo sa March 18, isang araw matapos ang March 17 premiere night sa SM Megamall.

October last year pa dapat ang playdate ng pelikula at this March lang natuloy dahil binusisi ang special effects. Excited si Robin nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nalalapit na showing ng horror-action movie na kanyang pinagbibidahan.

Sabi nito: "Masayang-masaya ako at ‘di ako bitin sa Sundo at pagkatapos kong mapanood ang pelikula, lalo akong pumabor sa pagka-urong ng playdate nito. First class ang CGI na ginamit at Dolby ang sound, first time kong makaranas ng pelikulang Dolby ang sound. Dinala pa ito sa ibang bansa para du'n lapatan ng special effects at Dolby sound. ‘Pag horror ang pelikula, kailangang special ang sound."

Horror ang pelikula, pero may action scenes, gaano katindi ang action scenes dito?

"Maraming eksena sa pelikula na talagang pinag-ukulan at pinag-isipan ng director. May stunt sa car na ikina-ospital ng stunt director dahil sa gusto niyang maging makatotohanan. Nang matauhan, saka naisip na muntik siyang masundo. Tinanong ko nga ang pangalan niya't nakalimutan."

Pinuri ni Robin ang mga kasama sa pelikula na mga propesyonal at magagaling umarte. Nabura raw ang maling impression niyang mahirap katrabaho at binangit nito si Sunshine Dizon na sa presscon, "Miss Sexy" ang tawag niya dahil sa suot na damit.

"Noong una ang dami kong naririnig kay Sunshine na nakaka-nerbiyos. Sabi nila, siga raw, susuntukin ako, kaya unang araw ng shooting, tinatantiya ko siya at baka ma-sunset ako. Mali pala ang mga narinig ko at napansin kong mahusay siyang artista at sa mga eksena namin, tumatayo ang balahibo ko. Nararamdaman ko ang galing niya at pati after the scene, nararamdaman ko siya dahil tawanan kami nang tawanan."

"Si Rhian [Ramos] naman, unang kita pa lang namin, nagpakilala siya at sinabing malaking karangalan sa kanya na maka-trabaho ako. Muntik akong maiyak nang marinig yun, plus factor sa kanya ‘yun dahil marunong siyang gumalang sa mga nakakatanda sa kanya. Nalulungkot ako dahil maraming bagong artista na hindi ginawa ang ginawa ni Rhian at may respeto sa co-stars niya."

"Natutuwa rin ako kina Hero [Angeles] at Mark [Bautista] dahil very professional at magagaling din. Si Mark, puwedeng action star at sabi ko nga kay Ma'am Annette [Gozon-Abrogar], puwede siyang action star."

Marami ang nagsasabing malaki ang chance ni Robin na manalong best actor dahil sa ipinamalas na husay. Gaya nang nasabi ng PEP, hindi lang husay sa action ang ipinakita ni Robin, pati na rin ang lalim ng acting.

"Naku! Kapag nangyari ‘yun at nasa stage na ako, isa lang ang sasabihin ko, "ikaw yun Direk Topel dahil lahat ng arte ko rito, inaarte muna niya. Kapag nangyari yun, ang plakeng ibibigay sa akin, ihahandog ko kay Direk Topel."

Nakakatuwa ang sagot ni Robin nang tanungin ng kanyang mga bisyo. Sagot nito: "Wala na akong bisyo ‘tol! Ayoko nang makulong dahil iba ang epekto ng alak sa akin. Sumasana akong tao ‘pag nakakainom. Hindi na rin ako naninigarilyo, masama sa katawan ‘yun. Wala rin akong tini-take na energy drink, Revicon at Liveraide na lang ang iniinom ko [ang mga ini-endorse niya]."

Nagpahabol pa si Robin na babae na lang ang bisyo niya at kailangang may nakikita siyang magandang babae ‘pag nagta-trabaho. Gumaganda raw ang araw niya ‘pag may nakikita siyang babae sa set.

"Sa Totoy Bato nga, ang ginagawa ng staff noong hindi pa patay ang character ni Ara [Mina], ginagawan nila ng paraan na isa sa kanila ang nasa set. Kahit isang eksena lang sila, kailangang may nakakasama ako. Pampaalis sila ng pagod at maganda ‘yung may inaalagaan akong babae."

"Araw-araw ang taping namin at ngayon, nagpo-promote kami ng Sundo, hindi uso sa akin ang matulog. Malakas akong uminom ng kape ngayon at ang asawa ko ngayon ay ang coffee maker na ini-regalo sa akin. Mahal na mahal ko ang coffee maker ko, sa umaga gusto ko espresso at pang-sustain ay kape Americano. Maliit lang naman ang cup ko, pero maraming beses ako umiinom," pagtatapos ni Robin.




Trailer courtesy of GMA Films

1  

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name