Vilma Santos (left) and Nora Aunor (right) will be honored with special citations in the 25th Star Awards for Movies. It will be held on May 28 at the Henry Lee Irwin Theater of Ateneo De Manila University in Quezon City. The Star for All Seasons is the recipient of the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award while the Superstar will be given a Special Citation for the movie Himala.  Photo: Noel Orsal (Vilma)


Kamakailan ay inilabas na ng mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC)  ang listahan ng mga nominado para sa iba't ibang kategorya ng 25th Star Awards for Movies. Kabilang dito ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion; at ang amang aktor ni KC na si Gabby Concepcion.



Special awardee naman ang Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto, this year's recipient of the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.



Ang anak naman ni Ate Vi na si Luis Manzano at ang dati niyang asawa na si Edu Manzano ay magkalaban naman sa isang kategorya, ang Darling of the Press.



Nominado ang Megastar na si Sharon Cuneta bilang Movie Actress of the Year for Caregiver, matapos ng ilang taong pagiging inactive sa pelikula. Makakalaban niya ang mga nag-best actress last year, tulad nina:  Mylene Dizon (Best Actress in Cinemalaya 2008 for 100), Jodi Sta. Maria (Best Actress in Cinemanila International Film Fest 2008-Digital Lokal for Sisa), at Anne Curtis (Best Actress for Metro Manila Film Fest 2008 for Baler).



Kabilang din sa lead actress-nominees sina Judy Ann Santos for Kulam, Irma Adlawan for Hubad at veteran actress Gloria Romero for Fuschia.



Ang anak ni Sharon na si KC ay isa sa mga nominees ng New Movie Actress of the Year bukod kina Precious Adona (Torotot), Ynna Asistio (Concerto),
Niña Jose (Shake, Rattle & Roll X, "Class Picture" episode), at Chariz Solomon (My Best Friend's Girlfriend).
       
                                                  *  *  *  *  *

DOUBLE NOMINATIONS.  The 1950's movie queen, Gloria Romero, has the distinction of being nominated in this year's 25th Star Awards for Movies for both lead and support categories.  Bukod sa nabanggit na nominasyon bilang bidang aktres, nominado rin si Tita Glo sa Movie Supporting Actress of the Year category para sa digital movie na Paupahan.



Sa mga aktor, may double nomination din sina Baron Geisler, para sa Jay (Movie Actor) at Baler (Movie Supporting Actor); ang first-time actor na si Julian Duque ng Boses (a Cinemalaya 2008 entry), para sa New Movie Actor at Best Child Performer; at si John Lloyd Cruz, ang bida ng A Very Special Love, para sa Newsmaker of the Year at Movie Actor of the Year.



Double nomination din para kay Dingdong Dantes ang pagkakapili niya as contender sa dalawang special awards: Newsmaker of the Year at Darling of the Press. The third Sexiest Man of the World ay nominated kasama ang kanyang love team partner na si Marian Rivera.



Para sa kategoryang Darling of the Press, katunggali naman ni Dingdong ang mag-amang Edu at Lucky; Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista; Manila Vice Mayor Isko Moreno, GMA-7 host Vicky Morales at ABS-CBN star Angel Locsin.



Bukod sa love team na Dingdong-Marian, nominado rin sa Newsmaker of the Year ang love team na Sarah  Geronimo at John Lloyd Cruz para sa box-office hit na A Very Special Love. Ang iba nilang kalaban ay ang comebacking actor na si Gabby Concepcion, boxing champ Manny Pacquiao, and phenomenal singing sensation Charice Pempengco.




ACTING TRIUMPHS.  As in the female lead category, exciting din ang labanan para sa Movie Actor of the Year ng 25th Star Awards for Movies. Bukod kina John Lloyd Cruz at Baron Geisler, may nominasyon sina: Aga Muhlach for When Love Begins, Allen Dizon for Paupahan, Ronnie Lazaro for Yanggaw, Carlo Aquino for Carnivore at Jericho Rosales for Baler.



Sa mga nominadong aktor, 2008 acting awardees for their respective nominated film-starrers sina Baron Geisler (Cinemalaya 2008 for Jay) at Ronnie Lazaro (Cinema One Originals Digital Film Fest 2008 for Yanggaw).



Sa Movie Supporting Actress of the Year category ay muling lalaban ang nanalong best supporting actress ng Cinema One na si Tetchie Agbayani for Yanggaw.  Talunin kaya niya this time ang mga makakatunggaling sina: Shamaine Buencamino (Ang Lihim Ni Antonio), Gloria Romero (Paupahan),  Snooky Serna (Paupahan), at Tessie Tomas (100)?



Sa Movie Supporting Actor of the Year category, si Phillip Salvador ang tanging nominado na mayroon nang napanalunang award last year, sa 2008 MMFF (for Baler). Talunin pa kaya siya ng sinuman sa mga co-nominees, tulad nina: Ricky Davao (Boses), Emilio Garcia (Walang Kawala), Baron Geisler (Baler), at German Moreno (Paupahan)?



        
GLOBAL ACHIEVEMENTS. Tulad ng natatanging parangal sa kanyang perennial arch-rival (referring to Gov. Vilma Santos) bibigyang-halaga ng 25th Star Awards for Movies 2009 ang natamong tagumpay sa larangan ng pagganap ng Superstar na si Nora Aunor, sa pamamagitan ng special award/citation para sa pelikulang Himala (1982/idinirek ni Ishmael Bernal; mula sa screenplay ni Ricky Lee)."



Ang pelikulang Himala ay bibigyan ng Award for Global Achievement in Cinematic Excellence and International Recognition sa darating na awards night. Isa itong natatanging pagkilala sa klasikong pelikula ni Bernal, at sa lahat ng mga naging kabahagi nito, sa pangunguna ni Ms. Aunor. Ang 1982 movie na ito ay dinirek ni Ishmael Bernal mula sa screenplay ni Ricky Lee.



Karagdagang pagkilala ito kay Nora Aunor, who already won several international awards (Best Actress), such as: the Princess Pattaten Statuete, for The Flor Contemplacion Story (Cairo International Filmfest, Egypt; 1995), the Penang Pearl Award, for Bakit May Kahapon Pa? (Penang International Filmfest, Malaysia; 1996); and the Brussels Film Fest for Independent Cinema Award (Brussels, Belgium), for Naglalayag (2004).

                                               *  *  *  *  *
 
ABS-CBN COVERAGE. Nakatakdang ganapin ang 25th Star Awards for Movies 2009 ng PMPC, sa May 28 (Thursday) ika-7 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University, Loyola Heights, Quezon City.  Ito ay produksiyon ng FLT Films, Inc., nina Rose Flaminiano at Christina Kitts.



Ang TV airing ay naitakda sa May 31 ganap na ika-10:30 ng gabi at mapapanood sa ABS-CBN sa ilalim ng direksiyon ni Al Quinn.



Ang 25th Star Awards for Movies 2009 ay mula sa mga bumubuo  ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na nasa kasalukuyang pamumuno ng entertainment columnist na si Roldan Castro.




(Click HERE for the complete list of nominees of the 25th Star Awards for Movies.)