Peeping Toms hound the shooting of "Silip"

Jojo Gabinete
Friday, April 13, 2007 @ 05:59PM  |  55 views

(From left) Francine Prieto, Polo Ravales, and Diana Zubiri are the lead stars of Seiko Films' Silip, directed by Joel Lamangan.
Photo By: Noel Orsal














Hindi agad nakunan ang mga love scenes nina Diana Zubiri, Francine Prieto, at Polo Ravales para sa Silip, ang bagong pelikula ng Seiko Films, na mula sa direksiyon ng award-winning filmmaker na si Joel Lamangan.



Si Racquel Villavicencio ang scriptwriter ng Silip, at sa liblib na lugar ng Bongabong, Nueva Ecija, ang shooting ng pelikula.



Noong April 1, ang eksena na naglalaro sa ilog sina Diana at Francine ang kinunan ni Direk Joel. Malayo ang location pero dinayo pa ito ng mga tao na gustong makita nang personal ang mga artista ng Silip.



Off-limits sa mga usyosero ang shooting dahil half-naked sina Diana at Francine sa eksena, pero hindi naitaboy ng production staff ang mga tao. Napapaligiran man ng bundok ang ilog, hindi ito naging hadlang para malaman ng mga tao na may shooting sa naturang lugar.



Napailing na lamang ang production staff at ang mga artista nang makita nila na parang mga sundalo na nakadapa sa bundok at susugod sa giyera ang mga gustong manilip sa mga hubad na artista. Wala naman silang nakita maliban sa likod nina Diana at Francine na parehong nakatalikod sa kamera.



Hindi sigurado ang production staff kung may nakita ang mga namboso nang kunan ang eksena nina Polo at Francine habang tumatakbo na kapwa hubo't hubad.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan ang Silip.



Silip din ang pamagat ng controversial movie na pinagbidahan noon nina Sarsi Emmanuelle at Maria Isabel Lopez pero magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga nabanggit na project.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name