Luis Manzano and Sarah Geronimo (left frame) were spotted on the red carpet of SM Megamall during the July 19 premiere night of Hating Kapatid. Judy Ann Santos (right), who is six-months pregnant, entered Cinema 10 via the fire exit to avoid the large crowd. Photo: Noel Orsal

Muntik na palang hindi makarating si Judy Ann Santos sa premiere night ng pinagbibidahan niyang pelikula with Sarah Geronimo na Hating Kapatid noong Lunes ng gabi, July 19. Nagkaroon ng dalawang premieres ang naturang Viva Films movie, ang una ay sa Glorietta 1 kung saan hindi raw nakadalo si Juday, at ang sumunod naman ay sa SM Megamall Cinema 10.


Sa Megamall ay nakapasok na sa sinehan ang lahat ng present na cast kabilang na sina Sarah, Luis Manzano, JC de Vera, Gina Pareño, Vice Ganda, DJ Durano, kasama rin ang direktor na si Wenn Deramas pero wala pa rin si Juday. Naging bulung-bulungan tuloy na hindi na sisipot si Juday sa premiere night.


Ngunit bago magsimula ang screening ay biglang dumating si Juday at kasama pa ang asawa niyang si Ryan Agoncillo, na ikinahiyaw ng mga fans na nasa loob ng sinehan.


"Hindi lang ako nag-promise. Hindi lang ako nag-commit kung pupunta ako. Pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko pero hindi ko kayang makita si Sarah na mag-isa. At saka malaki rin naman talaga yung kaligayahan ko na nakagawa ako ng pelikula with Direk Wenn," paliwanag ni Juday sa interview sa kanya ng SNN (Showbiz News Ngayon) na ipinalabas kagabi, July 20.


Masayang-masaya nga si Juday sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang pelikula.


"Masaya, very thankful na despite the traffic, despite the heavy rains nandiyan yung mga tao. Sobrang thank you, sana magustuhan nila yung movie."

SARAH & LUIS. Samantala, sina Sarah at Luis naman ay magkahalong saya at kaba ang naramdaman.


"Kabado kaming lahat. Siyempre nabawasan po ng konti yung kaba nung makita namin yung dami ng tao at yung sigawan nila. Nakikita namin na excited sila para sa amin, para sa pelikula," sabi ni Sarah.


Dagdag naman ni Luis, "Kabado, pero hindi sa box-office talaga. Ang gusto lang namin ay magustuhan ng mga tao."


Showing na sa mga sinehan ang Hating Kapatid simula ngayon, July 21. Magkakaroon din ito ng international screenings sa United States, Canada, Austria, Switzerland, Spain, Guam at Dubai.


(CLICK HERE to read PEP's review of Hating Kapatid)