[x]
The stars of Super Inday and the Golden Bibe in ready-to-attack mode: John "Sweet" Lapus (in white) produces the golden egg that transforms Inday, played  by Marianne Rivera (in pink) into a superheroine. Meanwhile, Pokwang (in blue) and Jake Cuenca (in black) help Super Inday in her quest to fight evil. Photo: Courtesy of Regal Films

Super Inday and the Golden Bibe ay isa sa mga pambato ng Regal Films para sa 36th Metro Manila Film Festival starting December 25, 2010. 

Sa presscon na ginanap kamakailan, naka-usap ng mga entertainment press ang main stars ng naturang MMFF entry: sina Marian Rivera, Jake Cuenca at John Lapus. Late dumating si Pokwang na galing pa raw ng Baguio dahil may show siya roon.  

Unang tanong kay Marian, totoo bang humingi siya ng basbas ni Maricel Soriano, ang bida sa original film na Super Inday and the Golden Bibe (1988)?

"Binisita ko po si Ms. Maricel sa bahay niya para humingi ng basbas niya.  Kabado nga ako, kasi after nagkasama kami sa Bahay Kubo, na film fest entry rin ng Regal in 2007, ngayon lang kami ulit nagkausap," kuwento ni Marian.

"Hindi ko nga po in-expect na ganoon ka-warm ang pagtanggap niya sa akin at sabi niya happy siya na sa akin ibinigay ni Mother Lily ang role ni Super Inday.  Susuportahan daw niya ako, kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa kanya."


Sanay nang makita si Marian sa sexy costume ni Darna dahil siya ang gumanap na heroine sa fantaserye ng GMA-7. Pero bakit ngayon, sexy man ang pink costume ni Super Inday, medyo mahaba ang skirt niya?

"Ako na po ang nag-request na habaan ng konti ang skirt ko kasi marami akong fight scenes at lagi rin akong naka-harness.  Salamat po sa nagsasabing sexy ako."

Sa katunayan, isang mixed martial arts (MMA) champion ang nag-train sa mga bida para mapaganda ang kanilang mga action sequences.

Kamusta naman si Jake na sabi'y malambing sa kanya at ang isa pang Kapamilya star na si Pokwang at ang co-star din niyang si John "Sweet" Lapus?

"Mabait po si Jake, nagkasama na kami noon sa isang episode ng horror show na Wag Kang Kukurap sa GMA-7," sabi ni Marian. "Malambing po siya sa lahat sa set, hindi lamang sa akin. Basta masaya po kami lahat, chikahan pag hindi pa take.

"Si Ate Pokie [Pokwang], lagi iyang maraming dalang pagkain, dala niya kasi sa shooting ang pink bus na bigay sa kanya ni Kris [Aquino].  Kapag early morning na at nagsu-shoot pa kami, tatanungin niya ako ng, 'ano, bunso, gutom ka na?'  Igagawa na niya ako ng noodles, may kasama pang itlog.


"Kami po naman ni John, chika kami talaga niyan sa Show Me Da Manny [ang kanilang sitcom sa GMA-7], kaya nga po ang gaan-gaan ng pagsu-shooting namin.  Four shooting days na lamang, tapos na kami."


How was it like working again with Direk Mike Tuviera?


"Second time na nga po naming magkatrabaho, una sa "Nieves," na isa sa mga episodes ng Shake, Rattle & Roll X.  Maganda po kay Direk, tumatanggap siya ng suggestions.  At ako naman kapag may ginawa akong eksena, tinatanong ko siya kung may ayaw ba siya sa ginawa ko, baka gusto niyang palitan, pero wala naman siyang reklamo sa mga ginawa ko."

Ano naman ang maio-offer na bago ng Super Inday dahil hindi lamang sila ang fantasy comedy film sa MMFF ngayong taon na ito?

"Basta pangako namin na tatawa at iiyak din sila sa mga dramatic scenes dito, pero dahil baklang-bakla si Super Inday, handog namin ito sa lahat ng mga bata, matanda at lahat ng mga mahilig manood ng pelikulang Pilipino," ani Marian.


Sa Super Inday, isang simpleng probinsyana si Inday pero nabigyan siya ng super power dahil sa Golden Bibe (played by John "Sweet" Lapus). Isang "fallen angel" ang karakter ni Sweet at naparusahan siya kaya mula sa langit ay pinababa siya sa lupa para gumawa ng kabutihan. 

Si Super Inday ang ka-back-to-back na superhero ni Amazing Jay (Jake Cuenca) sa paglaban sa mga masasamang tao sa kanilang lugar.  Si Pokwang naman ay isang mayordoma na nagkamaling nakainom ng itlog ni Golden Bibe kaya nagkaroon siya ng powers at naging accidental hero.


Kasama rin sa Super Inday si Cherry Pie Picache, ang nawawalang ina ni Inday; Mylene Dizon, ang No. 1 kontrabida ni Super Inday; Jestoni Alarcon, Sheena Halili, Buboy Villar, Jairus Aquino, Sabrina Man at Elijah Alejo.

Ipapalabas ang Super Inday sa mga sinehan simula December 25, 2010.