guide

Eugene Domingo wants to co-produce a film; says Kimmy Dora 2 will be shot in Korea
by Mari-An Santos and Allan Sancon posted on December 13, 2010  STATS: 444 Views | 1 Comments
Ai-Ai delas Alas (left) and Eugene Domingo portray best friends in Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na 'To). In real life, the two comediennes are close to each other and are planning to  co-produce a movie.    Photo By: Courtesy of Star Cinema

Sa Metro Manila Film Fest entry na Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na To!), makakapareha ni Eugene Domingo ang Filipino-British actor na si Jon Avila. 

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Uge (palayaw ni Eugene) ang masayang experience niya habang katrabaho ang dating housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2.

Ani Uge, "Si Jon Avila, ang ganda-ganda ng mata niya! Di ko akalain na magkakaroon ng mata ang tao ng ganung kulay na nag-iiba: green, gray, blue. Willing na willing si Jon matutong mag-Tagalog.

Magkakaroon ba si Uge ng kissing scene with Jon sa pelikula? "Siya gustong-gusto niya ako halikan!" sabi ni Uge habang naka-ngiti.

"Sabi ko nga kay Direk [Wenn Deramas], 'Direk, lagi na lang ako ang hinahalikan. Saka lagi na lang ako ang gustong humalik. Puwede bang siya naman yung gustong humalik sa akin?' Okay na okay naman kay Jon."

Dahil kabilang si Uge sa mga nakaraang edisyon ng Ang Tanging Ina, nakita rin niya ang mga pagbabago na naganap sa mga batang kasama sa malaking pamilya ni Ina Montecillo (portrayed by Ai-Ai).

"Nakakatuwa na sila kasi mas matanda na silang mag-isip kumpara sa amin nina Ai-Ai at Direk Wenn...Yung mga kunsumisyon at yung mga stress nila, ang mature na. Para ka na ring naki-pag reunion sa sarili mong pamilya," komento ni Uge.

"Walang adjustment...nung unang nagkita-kita kami sa set, kanya-kanyang okrayan. Walang tinago, walang lihim, napaka-relaxed."

Sa tingin niya ba ay makukuha niya ang Best Supporting Actress trophy sa 36th MMFF?

"More than myself, I really hope and I really pray that Ai-Ai gets the Best Actress award. If they give it to me, thank you very much. If not, I'm sure ibibigay sa deserving.

"I am just so happy that I am in this movie and that I am part of two films in this year's Metro Manila Film Festival. Part rin ako ng RPG: Metanoia, nag boses ako dun."

Biro pa ni Uge: "Asawa ko si Aga Muhlach sa boses, okay na yun! Kumpleto na ang career ko!" 


KIMMY DORA SEQUEL IN KOREA. Nang tanungin naman siya tungkol sa Kimmy Dora 2, sabi ni Uge, "Itutuloy natin 'yan, nakapag-usap na kami ni Señorito [referring to producer Piolo Pascual]. Nakapag-start na kami ng pre-production at location hunting sa Korea so sa March simula na tayong mag-shoot.

"Dati kasi comedy lang siya at nagpakita kami ng ibang presentation ng comedy, this time surprise...narinig ko na ang takbo ng kwento at okay na okay. By first quarter of 2011, we will start shooting."

FUTURE PRODUCERS? Sa lahat ng installments ng Ang Tanging Ina, si Uge ang gumaganap bilang best friend ni Ina (Ai-Ai). Sa totoong buhay, matalik na magkaibigan nga ang dalawa.

Dahil gusto pa nilang magbigay saya sa mga manonood, nais ng dalawang comedy queens na mag-produce ng sarili nilang pelikula. Ani Ai-Ai, "Parang sa Hollywood, sina George Clooney at Brad Pitt na nagpo-produce din ng movies nila."


Ayon naman kay Uge, "Lumawak ang pangarap namin, gusto na namin mag-produce kami ng sariling pelikula," kwento ni Uge. "Sayang naman, 'di ba? Di naman dapat natapos lang sa Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na 'To)."

Napag-usapan na nga nila ni Ai-Ai ang future plans nila. "Napagkasunduan namin, sige, mag-ipon tayo. 'Di naman kailangang malaki e--sabi niya--kahit tig-P1 milyon lang tayo. Kung makapagsabi ng P1 milyon e, 'no?


"Sabi ko, sandali, sandali! Mag-iipon muna ko, maglabada muna tayo at dadating 'yan," biro pa ni Uge.


Ano naman kaya ang konsepto ng pelikulang gagawin nila? "Creative, very creative movie. Gusto niya parang Borat. Sabi ko, bakit hindi? Yun talagang ganun talaga, rock n roll."


Ang Borat ay comedy na naging box office hit noong 2006, starring Sacha Baron Cohen.


"Kasama 'yan sa mga pangarap ko at pangarap niya [Ai-Ai]. Kami na din ang lalabas [sa pelikula]. Ako na direktor. Ayan o, siya na production designer, tutal mahusay siyang magagaganyan," biro pa ni Uge, sabay turo sa over-the-top out fit ni Ai-Ai. "Kasi nga, wala kaming pera."


Nang tanungin kung kailan nila plano ilabas ang pelikulang ito, pagsisiwalat ni Uge: "Maganda 'yong katapusan ng 2012."

Click here to learn more about this year's Metro Manila Film Fest entries

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

1 Comment

  • kapusono1

    12/13/2010 | 05:31 PM
    i love uge more than ai ai
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About