Vic Sotto is paired with Gwen Zamora (top frame) while Senator Bong Revilla is paired with Sam Pinto (bottom frame) in the fantasy film Si Agimat at si Enteng Kabisote. This Metro Manila Film Fest entry will have its premiere night at SM Megamall on December 21, 2010. (CLICK HERE to learn more about this year's MMFF entries)

Magkasama na humarap sa entertainment press sina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla sa presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote, ang entry nila sa 36th Metro Manila Film Festival.


Gaganapin ang premiere night nito sa SM Megamall sa December 21, 2010. Mapapanood naman ang fantasy film na ito sa mga sinehan nationwide simula December 25, 2010. 


Ginanap ang presscon ng Agimat sa Annabel's Restaurant along Tomas Morato last Friday, December 10. Si Gwen Zamora, ang gaganap na Faye, ang leading lady ni Enteng Kabisote (played by Vic Sotto) samantalang si Sam Pinto naman si Samara, ang leading lady ni Agimat (played by Senator Bong). Kasama rin sa cast ang young stars na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.


Tinanong sina Bossing Vic at Senator Bong kung ano ang reaksyon nila sa sinabi ng Dalaw lead star na si Kris Aquino na naniniwala itong mangunguna ang Agimat sa takilya. Ang prediction ni Kris ay number two sa box-office sales Ang Tanging Ina (Last Na 'To!) ni Ai-Ai delas Alas at ang Dalaw naman ay magiging number 3.


"Ok sa amin iyon, hindi namin tatanggihan," sagot ni Senator Bong.  "Pero numero lamang iyon, ang mahalaga, maraming manonood."


Ani Vic, "Salamat, wish namin, lahat ng pelikulang entry sa festival kumitang lahat."


Paano ang exposure at billing nila sa story: pantay ba sila? Alin ang inuna nilang pag-usapan?  Baka raw kasi mas malaki ang exposure ni Vic dahil ang direktor ay si Tony Reyes na mas malapit sa TV host-comedian.


"Inuna naming pag-usapan kung paano magkikita sina Agimat at Enteng Kabisote sa dalawang mundo," paliwanag ni Senator Bong. "Kung paano mapupunta si Agimat sa mundo ni Enteng Kabisote at si Enteng Kabisote kung paano mapupunta sa mundo ni Agimat."


"Never naming in-entertain ang ganoong issue. Ang pinag-isipan namin maibigay kung ano ang hinahanap ng mga manonood sa movie ni Enteng Kabisote at ang hinahanap ng mga manonood sa movie ni Agimat.  Never ding pumasok sa isip ko na si Direk Tony Reyes ang nag-handle sa movie namin.  Mataas ang respeto ko sa kanya."


Since lima silang producers, GMA Films, Imus Productions, M-Zet Films, Octo Arts Films at APT Entertainment, paano ang hatian nila sa gastos?


"Hindi namin iniisip ang budget," natatawang wika ni Sen. Bong.  "Actually, tatlong mundo ang pinuntahan dito nina Agimat at Enteng Kabisote.  Ang mundo ni Enteng Kabisote, mundo ni Agimat at mundo ng mga tao.  Hindi pa namin alam kung magkano ang aabutin ng budget, dahil hanggang sa ngayon, gumagastos pa kami.  Pero wala iyon, basta ang nasa isip lamang namin, makapagbigay kami ng kasiyahan sa mga manonood."


Dagdag naman ni Vic: "Basta kami ni Senator Bong, 50-50 all the way ang gastos at sana bukod sa magustuhan ng mga manonood ang movie, makabawi rin kami sa nagastos namin."


Ibig bang sabihin, sa mga susunod na MMFF, sila pa rin ang magkakasama?


"Hindi pa namin iniisip iyon, although katuparan nga ito ng matagal na naming pinag-usapan na magsama kami sa isang movie," saad ni Senator Bong. "Pwedeng maghiwalay o pwedeng magkasama ulit kami next year."


"Mahirap naman yatang lagi kaming magkasama. Baka naman magka-inlaban na kaming dalawa," nagbibirong sagot ni Bossing Vic.  "Pag-iisipan namin iyan pagkatapos ng festival."


Kasama rin sa movie sina Bing Loyzaga as Satana, ang evil fairy na makakalaban nina Agimat at Enteng Kabisote; ER Ejercito, si Ragat, ang fiery snake monster; Alex Crisano bilang monster na si Asupre; King Gutierrez as Burgog, ang sidekick ni Ragat; Danielle Castano as Amazona, isa sa followers ni Satana; Benjie Paras as Abugan at Robert Hernandez bilang haliwaw na si Balgogg sa mundo ni Agimat.



SYNOPSIS.
Worlds collide in this epic fantasy adventure that only one can dream of.


There is trouble brewing in the world of Agimat and monsters are scaring and kidnapping children. The monsters seem capable of travelling in other worlds and Agimat is able to crossover with them to Encantasia, the world of Faye, Ina Magenta and our hero, Enteng Kabisote. The fairies wonder why monsters are able to cross worlds.


Agimat is amazed of the other world and hopes that things in his world would turn out better. His dream one day is to have a happy family like Enteng's.


The story unfolds. Satana is the one ordering the monsters to snatch children so that she can use their blood to revive Ragat, the powerful lord of darkness. Satana will also need a blood of a fairy, and Faye is the perfect choice.


Enteng now has to rescue his wife. And he will get Agimat to help him battle the monsters and the dark lord.


Will they succeed in overthrowing evil? Will they be able to save Faye and the children?


Find out as two of our heroes join forces in Si Agimat at Si Enteng Kabisote in cinemas nationwide on December 25, 2010.

Click here to visit PEP's microsite about the MMFF