Coco Martin will be Judy Ann Santos's leading man for her comeback film

Mari-An Santos
Saturday, May 14, 2011 @ 12:00PM  |  16805 views

Coco Martin and Judy Ann Santos will be paired in an upcoming movie, which will also star Gina Pareño and Maja Salvador. In this photo, Coco shows his trophy during the recently concluded 42nd Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards where he was honored as the Prince of Philippine Movies.
Photo By: Allan Sancon













Si Coco Martin ang magiging leading man ni Judy Ann Santos sa kanyang comeback movie.

Tuwang-tuwa si Coco sa napakagandang pagkakataon na ito sa kanyang career. "Bata pa lang ako pinapanood ko na si Ms. Judy Ann... in Esperanza, Krystala," aniya sa isang panayam ng ABS-CBN. Makakasama din nila sa pelikula sina Gina Pareño at Maja Salvador.

Ngunit hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa iisang pelikula ang dalawang talents. Noong 2001 ay may role si Coco sa pelikulang pinagbidahan ni Judy Ann na pinamagatang  Luv Txt.

Kasalukuyang gumaganap ng dual roles si Coco sa teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kita Iibigin. Dito ay gumaganap siya bilang kambal na magkaiba ang landas: isang sundalo at isang rebeldeng miyembro ng NPA.

Nominado ngayon si Coco sa Urian Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Noy. Nanalo na rin siya dati sa nasabing patimpalak bilang Best Supporting Actor para sa Serbis. Paparangalan din siya ng Urian bilang Actor of the Decade.

Samantala, si Judy Ann ay napakarami nang natanggap na acting awards, ang pinakahuli ay ang Best Actress Awards sa 2007 PMPC Star Awards, Enpress Golden Screen, at Famas Awards para sa Kasal, Kasali, Kasalo. Sa 2009 Gawad Pasado at Gawad Tanglaw naman ay pinarangalan rin siya para sa Ploning, kung saan siya din ay nagsilbing producer.

Ngayong taon ay inaabangan na ang pagbabalik-showbiz ni Judy Ann, matapos siyang ikasal kay Ryan Agoncillo noong 2009 at ipanganak ang kanilang anak na si Juan Luis noong October 2010.


Nakatakda rin maging host si Judy Ann ng Philippine edition ng Junior MasterChef na ipalalabas sa ABS-CBN.


(CLICK HERE to read related article)

1  

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name