Maricel Soriano in high demand, does four movies for 2007

Dinno Erece
Thursday, August 02, 2007 @ 01:33PM  |  2120 views

"May taon na wala ako sa pelikula, puro TV lang. Ngayon naman buhos. Ang gaganda naman kasi ng mga naibibigay sa akin ngayon, paano ka tatanggi?" says Diamond Star Maricel Soriano.
Photo By: Courtesy of Star Cinema














When it rains, it pours.

Busiest year ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang 2007. She was last seen on the big screen in Viva Films' Filipinas three years ago and in Inang Yaya last year. Makaka-apat na pelikula ngayong taon si Marya—two independent and two mainstream.

Naipalabas na ang dalawang independent movies ni Marya, ang Numbalik Diwa at Paraiso. Malapit nang ipalabas ang A Love Story ng Star Cinema at entry naman sa 2007 Metro Manila Film Festival ang Bahay Kubo ng Regal Entertainment.

Tinatayang ma-nominate na naman siya para sa kanyang pagganap sa Paraiso, bilang isang ina na namatayan ng anak sa pagguho ng lupa sa kanilang probinsiya.

"Pagkabasa ko pa lang ng script, mugtong-mugto na ang mata ko. Sabi ko gagawin ko ito, huwag na nating pag-usapan ang presyo. Libre na," sabi ni Marya during the contract signing with Regal for the movie Bahay Kubo.

Sa ngayon, nagsisimula na ang promotion ng A Love Story, directed by Maryo J. delos Reyes, and co-starring Aga Muhlach and Angelica Panganiban, .

Magsisimula na ring mag-shooting ng Bahay Kubo si Maricel. Kasama  niya sa pelikula sina Mark Herras, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, and Rayver Cruz, sa direction ni Joel Lamangan.

"Makaka-apat pala ako ngayong taon na ito," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"May taon na wala ako sa pelikula, puro TV lang. Ngayon naman buhos. Ang gaganda naman kasi ng mga naibibigay sa akin ngayon, paano ka tatanggi?

"At least, fulfilled ako. Nakapag-independent na ako, nakapag-Unitel na, ngayon balik Star Cinema at Regal Films ako, how can I say no?"

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name