[x]
Ogie Alcasid and Eugene Domingo Photo: Allan Sancon

PHOTO BY ALLAN SANCON


Todo suporta si Ogie Alcasid sa kanyang mga kasamahan sa OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit). Bukod sa pagiging busy niya hindi lamang sa telebisyon maging sa kanyang mga bagong pelikula ay patuloy ang pag-iisip nya ng mga aktibidades kung paano mas mapapalawak ang kanilang organisasyon.


Sa katatapos na press conference ni Ogie Alcasid na ginanap sa Imperial Palace noong nakaraang Miyerkules, Marso 14, ay tinalakay ni Ogie ang tungkol sa bago niyang proyektong  para sa OPM. Ito ay ang www.Opm2Go.com


Isa itong online store para mapagsilbihan ang mga Filipino na artists, mang-aawit at ang mga music lovers.  Matapos ang presscon ay nagkaroon ang PEP.ph kasama ang ilang press na makapanayam si Ogie tungkol sa pelikula niyang I Do Bidoo Bidooo kunsaan kasama niya si Eugene Domingo bilang kanyang asawa.


SYNOPSIS. I Do Bidoo Bidoo is a family movie that features the hit songs of the legendary OPM group, APO Hiking Society. Ogie and Regine play the roles of Mr. Pol and Mrs. Rose Polotan who are the parents of Rock (Sam Concepcion). He has a girlfriend named Tracy Fuentebella (played by Tippy Dos Santos) who is the daughter of rich couple Mr. and Mrs. Fuentebella (played by Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla). Tracy got pregnant by accident, prompting the bickering parents to meet and discuss the future of the young ones.


I Do Bidoo Bidoo is a tribute to the enduring songs of APO Hiking Society, composed of Jim Paredes, Buboy Garovillo and Danny Javier. There are around 17 APO Hiking Society songs that will be featured in this musical movie.


Ito ang ilang pahayag ni Ogie tungkol sa bago niyang pelikula:

Kamusta po yung movie ninyong I Do Bidoo Bidoo? Nakapag start na ba kayo ng shooting?

"I'm so excited, nakakakilig, e, kasi ang ganda nung project, ang saya saya namin sa set. Si Uge asawa ko rito. Pag magka eksena kami, tawa lang kami ng tawa. The music is great, the story is so cute. I'm working with Gary V [Valenciano], and Ms. Zsa Zsa [Padilla]. It's like dream come true for me. Kumakanta kami, umaarte at nagpapatawa. Nakakatuwa, naka two weeks na akong  nagsu shooting doon."

Any comment kay Eugene Domingo na nominated siya bilang Best Actress sa Asian Film Award?

"Alam mo, pinanood ko yung Ang Babae sa Septic Tank, binigyan ako ni Uge nung DVD, namangha ako. Ang galing nung pelikula, ang ganda nung pelikula, ang galing ni Uge, nabaliw ako. Tanong ko sa sarili ko, "Paano n'ya naisip yun?" She deserves it, she deserves to win. Yung acting na ginawa n'ya dun, grabe! Ibang level 'tong si Uge. Parang di normal na tao yun, e. Ang galling, galling, galing n'ya roon, and yet she remains humble. I'm encouraging everybody to please vote for Uge. Kasi yata, you need to vote for her to win, e. It's an online voting contest for her to win the Best Actress. So, I hope and pray she will win."

(The winners of the 6th Asian Film Awards will be announced by March 19, 2012)

Hinihintay daw ni Uge yung premiere night nung pelikula ninyong I Do Bidoo Bidoo kasi aagawin ka daw n'ya kay Regine? Anong masasabi mo dun?

"Lukaret talaga 'yan! (sabay tawa) Walang problema sa akin, in fact, may scenes kami ni Uge na sexy-sexy, e. Medyo may love scenes yun. Nabasa ko nga yung script na 'And then, they make love scenes.' Sabi ko 'Wow!' Walang problema sa akin."

Nai shoot n'yo na ba yung eksenang yun?

"Hindi pa! Hindi pa! Puro mga away pa lang yung nagawa namin, e."

Paano n'yo po pag hahandaan yung love scene n'yo ni Uge?

"Walang toothbrush, kakain ako ng tuyo, bagoong, tapos halikan na yun! (sabay tawa) Ganun naman yung mga mag-asawa di ba? Diretso na! Walang toothbrush, toothbrush! Hahaha!"

Excited daw si Ms. Uge sa love scene n'yo at paghahandaan niya raw yun. Ano pong masasabi n'yo dun?

"Aba, e, excited din ako! Biro mo, ka level ni Uge, si Solenn? Ang hirap pag isipan nun. (sabay tawa)

So, mas marami ang love scene n'yo si Uge sa bago ninyong pelikula kaysa kay Solenn?

"Parang, e, kasi dun sa [movie na] Boy Pick-Up na kasama ko si Solenn, parang ligaw ligaw lang, e, ganun lang. E, dito sa pelikula namin ni Uge, ibang level, kasi siyempre asawa mo, alangan naman di kayo mag karoon ng intimate moment. Syempre sa asawa mo, panay ang yakap, panay ang romansahan."

Kinarir na rin ni Ms. Uge yung pagiging singer, welcome po ba siya sa OPM?

"Of course! Alam mo, nung napakinggan ko nga yung recording, sabi ko kay Uge, 'Kumakanta ka 'no? Sabi niya, 'Oo naman, pero hindi kagaya ninyo.' Sabi ko, 'Ang ganda ng boses mo, e.' Tapos parang nahiya siya. Ang galing niya, I was so impressed. Pero hindi malayong isiping magaling siyang kumanta, e, kasi yung boses niya sa mga acting niya, the way she throws her voice, the way she uses her voice pag umaarte sya. Alam mong marunong siyang kumanta."


Alam na po ba ni Ms. Regine na may love scene kayo ni Uge?

"Hindi pa yata! Hindi n'ya yata alam, e! Wala namang pakialam sa akin yun pag trabaho. Kasi alam naman niyang sobra akong loyal sa kanya. Naks!"