“I’m just so happy na, parang… In my career, the things that I wanted to achieve, nate-take off ko na [from my list]. I’m willing to cross it off. So, I’m just so happy and thankful to God,” says Anne Curtis about her recent achievements. Photo: Noel B. Orsal

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne Curtis kung lagi ba niyang ginagawa ang biglaan na lang na paglitaw sa mga pampublikong lugar.

Bukod kasi sa mga biglaan niyang pagsakay ng MRT o Metro Rail Transit, nakuhanan din ng video si Anne nang bigla rin itong lumitaw sa 168 Mall sa area ng Divisoria sa Maynila. (CLICK HERE to watch video.)

Kilalang bagsakan ng mga murang bilihin at laging matao ang Divisoria. Kaya nakakagulat na naisipan ng isang sikat na personalidad na katulad ni Anne ang pumunta rito.

“Yun ang mga talagang gusto kong gawin,” sabi ni Anne sa PEP at iba pang miyembro ng press na kaharap nito sa presscon ng Greenwich Spaghetti Supreme na ginanap nung Miyerkules, Abril 2, sa Megatrade Conference Center sa SM Megamall.

“You know, I really think that…whatever or where you stand in life, if you’re a celebrity, if you still wanna do things, go for it.

"Don’t let it [being a celebrity] be a hindrance to being a normal person, di ba?

“Of course, there are things that you have to, like, you have to take certain precautions.

“Like when I did in168, I went there first na naka-fisherman’s hat lang. Hindi nag-work. So, umalis muna ako kunwari.

“Pagbalik ko, may mask na kaming binili. So, naka-mask na ‘ko,” kuwento ni Anne.

Hindi ba siya natatakot na baka dumugin siya nang husto ng mga taong makakakita sa kanya, lalo na sa isang pampubliko’t sobrang mataong lugar na katulad ng Divisoria?

“Hindi naman. Mababait ang mga Pinoy. Nakikinig naman,” sagot ng It’s Showtime host.

Lagi rin naman daw siyang may kasama kapag pumupunta sa mga matataong lugar. At tuwing nag-e-MRT naman daw ay lagi siyang nasa ladies carriage.

Sa dalawang beses nang pagsakay ni Anne sa MRT, hindi pa ba siya nilalapitan ng mga namamahala nito para maging spokesperson ng MRT?

“Hindi pa naman!" natatawang sagot ni Anne.

“Alam mo, 'yan siguro ang peak ng career ko pag yun ang in-endorse ko,” biro pa niya.