Fourteen-year-old Anjed joins the local music industry with the launching of her debut album, Fly High, which contains nine all-original compositions.

Photo: File

Isa na namang baguhang singer ang nadiskubre sa pamamagitan ng YouTube.

Ito ang 14-year-old student mula sa Butuan City na si Anjed.

Sa tulong ng kanyang tiyahin, nag-upload ng kanyang video si Anjed—Marjed Millana—habang kumakanta sa YouTube.

Ang tatlong videos na pinost ni Anjed ay “I Have Nothing” ni Whitney Houston, “Listen” ni Beyonce, at “And I Am Telling You I’m Not Going” ni Jennifer Holliday.

Napanood daw ito ng composer-producer-writer-director na si Joven Tan at kinontak siya agad nito para magkaroon ng recording career.

“’Tapos nag-record po ako last year, September to October,” banggit ni Anjed.

Ngayon nga ay tapos na ang recording ng debut album ng baguhang singer at ini-launch na ito noong June 26 sa Centerstage sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang title ng debut album ni Anjed ay Fly High na iprinodyus ng Millawave Multimedia at Total Entertainment Production, at ire-release ng Heroes Records.

All-original compositions ang siyam na kantang nakapaloob sa album: “Ewan Ko,” Damdamin,” “Fly,” “Kailan Ba?,” “I Love You Again,” “Sabi Mo,” “Pangarap,” “Kulang ang Pasasalamat,” at “Pangako.”

Walo sa siyam na kantang ito ay nilikha ni Joven Tan.

Ang carrier single ng debut album ni Anjed ay “Ewan Ko,” na kasalukuyan nang naririnig sa ilang FM stations.

Ang “Kulang Ang Pasasalamat” naman ay ang theme song ng upcoming indie film na Ang Maestra, na idinirek din ni Joven.

DREAM COME TRUE. Ayon kay Anjed, sobrang saya niya nang matapos ang recording niya at lumabas na ang kanyang album.

“Pag-uwi ko ng bahay, tumatalon-talon po ako. Sino naman po ang hindi?

“Pangarap ko na pong maging singer since four years old pa lang ako.