guide

Walang Hanggan Volume 2: The Official Soundtrack leads album sales
posted on August 17, 2012  STATS: 2528 Views | 4 Comments

Ayon sa corporate communications department ng ABS-CBN, isa sa mga top-selling albums overall (foreign and local) ang Walang Hanggan Volume 2: The Official Soundtrack.

Ito ay base sa pinakahuling nationwide sales reports mula July 30 hanggang August 5, 2012 ng Odyssey Music and Video. Ang naturang album ay ang ikalawang edisyon ng soundtrack ng ABS-CBN primetime teleserye na Walang Hanggan.

Ayon pa rin sa ABS-CBN, ang repackaged album ng Walang Hanggan Volume 1 ay pangalawa sa pinakamabentang album sa nasabing music sales chart.

Tampok sa Walang Hanggan Volume 2: The Official Soundtrack ang mga bagong theme song ng mga karakter sa teleserye na sina Emily (Dawn Zulueta), Marco (Richard Gomez), Nathan (Paulo Avelino), Katerina (Julia Montes), at Daniel (Coco Martin).

Bahagi ng tracklist ng album ang "Pangako" ni Martin Nievera, "Gaano Kadalas ang Minsan" ni Christian Bautista, "Iisa Pa Lamang" ni Erik Santos, "Sana Maulit Muli" ni Aiza Seguerra, "Kahit Isang Saglit" ni Juris, at ang "Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan” ni Nina.
 

Samantala, matapos ang kontrobersyal na "saksakan" scene sa pagitan ng mga karakter nina Coco at Paulo kamakailan, sunod-sunod na explosibong tapatan ang nakatakdang gugulat sa lahat ng Walang Hanggan fans.

Tuluyan na nga bang maaagaw ni Daniel si Katerina mula kay Nathan? O may mas malalaking plano pa ang mga Montenegro laban sa kanya at sa kanyang mga magulang na sila Emily at Marco?
 

Bilang pasasalamat sa lahat ng kanilang fans, patuloy na dinadayo ng Walang Hanggan stars ang iba’t ibang sulok ng bansa. Ngayong Sabado (August 18), makikipag-bonding sina Coco Martin at Julia Montes kasama si Bryan Termulo sa mga Davaoeño sa NCCC Mall Activity Center, Davao City, sa ganap na 5pm.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

4 Comments

  • Max_08

    08/18/2012 | 10:03 PM
    Promo na kau kc malapit na lumabas ang album ni julie anne nationwide.. Anyway, congrats pa rn coz opm songs ang walang hanggang album..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Acotoh
    08/18/2012 | 11:26 PM
    Teh, Hellow., kung ung movie na nga eh hndi kumita, ano pang asahan sa album? syunga lang tlaga ang peg at hndi nag iisip. kawawa ka naman teh. buahahaha
  • azton111

    08/18/2012 | 05:20 PM
    nice congrats, number itong 2nd volume ng walang hanggan sound track sa lahat ng record bars mapa foreign or local, just like walang hanggan teleserya na number 1 mapa mega manila or nationwide, at mabili din ang infinity ring na ibinebenta inspired by infinity ring na ginamit sa walang hanggan, at alam nyo bang nag top 3 si dawn sa most beautiful woman, 1st si sarah g at pangalawa si angel locsin
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • azton111

    08/18/2012 | 05:02 AM
    infinity ring is doing well in sales, walang hanggan album is top 2 and voulume sa record sales, mga bagay na hindi naman nararanasan sa ibang station, dating ganyan ang mga teleserya ng abs, at nag papatuloytuloy lang,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Acotoh

    08/17/2012 | 05:01 PM
    wow, yan ung cnasabi nla na papanget daw ng papanget pero npakarami pa ring tumatangkilik at knina lang eh pnag uusapan nung mga empleyado at pati client nla sa cityhol nakikisali sa pagkukuwento nung episode', wow', congrats wh',
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About