Yeng Constantino received a citation from the Academy Of Rock in Singapore during a fundraising concert held last March 2.

Photo: Noel Orsal

SINGAPORE—Masayang natapos ang concert ng Academy Of Rock (AOR) nitong nakaraang Sabado, March 2. Ginanap ang concert sa bago at napakalaking events place ng Singapore: ang The Star Theater, The Star Performing Arts Centre.

Pinamagatang Rock with Heart-Up Where We Belong ang Academy’s Charity Rock Event dahil layunin ng concert na makalikom ng pera para sa pagpapatayo ng 20 houses nang ragasain ng bagyong Pablo ang Davao Oriental noong Disyembre 2012.

Ito na rin ang masasabing naging dahilan kung bakit nabuo ang concert ng AOR Singapore. Sinasabing nagsimula ang Outreach Program nila noon pang 2009 nang ang isa sa foreign staff ng AOR ay maging biktima ng bagyo na sumira sa kanilang bahay. Ang Academy ay hindi tumigil sa pagtulong dito at lumabas pa at tumulong sa 200 iba pang pamilya na naapektuhan ng nasabing disaster.

Sa pangunguna ng founder ng Academy of Rock na si Priscila Teo, naging taunan na ang kanilang pagtulong dito sa Pilipinas sa tuwing magkakaroon ng kalamidad. Ang ibang beneficiaries ay ang Promisedland Community Services, an IPC non-profitable organization that houses a Lifeblood Centre for cancer patients as well as an educational foundation for children and youth.

Para sa kaalamanan ng lahat, ang Academy Of Rock ay based in Europe with 4 branches in Singapore and 1 in Manila.

Kasama sa mga performers ng concert ang mga estudyante ng buong Academy Of Rock ng Singapore at Pilipinas. Special guest artist ang Pop Rock Princess of the Philippines na si Yeng Constantino. Kinilala ang Filipina singer at tumanggap ng citation mula sa AOR na base sa Singapore.

Konsepto ng concert ang magbigay tribute sa popular movie soundtracks. Ang mga kinanta ng mga performers ay ang sumusunod: Animation Mashup-The AOR Band, Empire State Of Mind-Alicia Keys, Fix You-Coldplay, Eye Of A Tiger-Survivor, Iris-Goo Goo Dolls, Time For Miracles-Adam Lambert, I Want You To Me-Letters To Cleo, Walk-Foo Fighters, New Divide-Linkin Park, That Thing You Do-The Wonders, Skyfall-Adele, Accidentally In Love-Counting Crows, Only You-Pretty Reckless and Supermassive Black Hole-Muse.

Nang si Yeng ang nag-perform, kasama niya ang AOR teachers upang kantahin ang first song niya na "Fame." Ang kantang ito ay pinasikat noong '80s ni Irene Kara. Walang tigil ang mga tao sa kakahiyaw, palakpak at sigaw habang nagpe-perform si Yeng kaya naman bigay todo sa pagkanta ang grand champion ng Pinoy Dream Academy.

Sinundan naman ito ng "Salamat," ang original composition ni Yeng na nakasama sa debut album nito pagkatapos niyang manalo sa Pinoy Dream Academy as grand champion. Nai-release ang album niya noong January 2007, under Star Records, at nakatanggap ito ng 3X Platinum Award dahil lagpas 90,000 copies na ang nabenta nito.

Third and last song sana ay ang bago niyang latest single mula sa kanyang  album Metamorphosis. Ang “Babay” ang dapat kakantahin ng Filipina singer ngunit nagkaroon ng technical problem sa dahilang hindi ma i-play ang CD. Nalungkot ang Pop Rock Princess nang sabihin sa kanya ito ng floor director. “I’m going to cry now, it’s so sad," sabi ni Yeng sa crowd na nanood sa kanya sa Singapore.

Pero may paraang naisip si Yeng nang hindi na talaga maipe-play ang "Babay." Gumawa ito ng paraan at humiram ng gitara mula sa isa sa mga AOR teachers. Tinugtog ni Yeng ang "Hawak Kamay," ang kanta na nagpasikat sa kanya noong kasali pa siya sa reality show ng ABS-CBN.

After her last song ay lumabas na ng stage ang bida ng concert. Nagulat naman ang lahat dahil nang kantahin ng mga estudyante at teachers ang final song nila na "Where We Belong," muli pang lumabas si Yeng suot na ang isang magenta gown na puno ng beads, sequins at gemstones. Naging bukang bibig ni Yeng ang pasasalamat sa AOR for having this fundraising concert.