Tuwang-tuwa si Yeng Constantino (in photo) dahil naiuwi niya ang Best New Artist at Top 40 Brand Award sa 1st OPM Songhits 2007 Awards na ginanap sa Robinsons Galleria, Quezon City, kamakailan. Photo: Courtesy of OPM Songhits Awards



Last Wednesday, December 5, nagtipun-tipon ang hottest local bands and singers ng bansa para sa 1st OPM Songhits 2007 Awards na ginanap sa Cinema 5 ng Robinsons Galleria, Quezon City. Ito ay handog ng Interview Magazine Inc., publisher ng Top 40, Most Requested Songs, Pinoy, Most Wanted Hits, Classics, at Banda para sa kanilang readers na tumatangkilik sa kanilang songhits. Naging basehan ng mga nanalo ang natanggap nilang text votes mula sa readers.

Nagsilbing hosts for the night sina Christian Bautista at Marc Abaya, ang frontman ng bandang Kjwan. Talagang nag-enjoy ang mga nanonood dahil sa naggagandahang performances ng kanilang mga paboritong mga mang-aawit.

Ilan sa mga nagtanghal on stage at nagbigay saya sa audience ay ang mga bandang Cueshe, Itchyworms, Sugarfree, Silent Sanctuary, Join the Club, Craeons, Callalily, 6cyclemind, Pupil, Chicosci, Hale, at Rivermaya.

Mas lalong naging maningning din ang gabi sa performances nina Yeng Constantino, Ronnie Liang, Miguel Escueta, Juris Fernandez of MYMP, Sheryn Regis, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, at Kyla.

Naroroon din ang Prince of R&B na si Jay-R, Barbie Almabis, at Mocha na naging presentors.

Overall, it was indeed a big night and a celebration for all the local bands and solo acts na binigyang halaga ang kanilang kontribusyon sa music industry. Inaabangan na ng marami ang next edition ng OPM Songhits Awards.

Here is the list of winners for the 1st OPM Songhits 2007 Awards:

BEST NEW ARTIST - Yeng Constantino

BEST DUET -Christian Bautista & Rachelle Ann Go for "Pag-ibig Nga Kaya"

BEST FEMALE RECORDING ARTIST - Sheryn Regis

BEST MALE RECORDING ARTIST -Christian Bautista

BEST MALE VOCALIST- Yael Yuzon of Sponge Cola

BEST FEMALE VOCALIST- Juris Fernandez of MYMP

BEST MOVIE/MUSICAL PLAY/TV SOUNDTRACK -"Walang Yamang Mas Hihigit Sa'yo" by Cueshe

BEST MUSIC VIDEO- "Shooting Star" by Hale

ALBUM OF THE YEAR - "Becoming" by Sarah Geronimo