Marian Rivera's love for dancing inspired the album Marian Rivera Dance Hits. It got its gold record award when it sold 15,000 copies. Now, the dance album of the Dyesebel star has sold 30,000 copies making it a platinum album. Photo: Noel Orsal

Napanood na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV commercial ni Marian Rivera ng latest product endorsement niyang Nesvita Drink, pero sabi ng manager nitong si Popoy Caritativo, this Sunday sa S.O.P. ang formal launching ng TV commercial.

 

Last week ng March pa kinunan ang TVC, pero isinabay ang pagpapalabas nito sa airing ng Dyesebel na magsisimula na sa Monday, after Joaquin Bordado.

 

Kasabay nito, ang awarding kay Marian, dahil after three months, nag-platinum ang kanyang dance album mula sa Universal Records, ang Marian Rivera Dance Hits.

 

Ang platinum mark ay equivalent ng 30,000 copies sold. Sobrang nagulat ito nang bigyan ng gold record award for the same album, kaya siguradong triple ang gulat nito ‘pag nalamang nag-platinum na ang nasabing album.

 

Hindi pa masabi ni Popoy kung magkakaroon ng volume 2 ang album at ang Universal Records ang magdedesiyon, pero kung may panibagong offer kay Marian, tatanggapin nito't, hilig nito ang sumayaw.