It took years bago matapos ang paggawa ng very first album
ni Reymond Sajor, ang Coming Home,
dahil sa pagiging sobrang espesyal daw nito. Ang album ni Reymond ay released
under Songstream Music at manufactured and exclusively distributed ng Sony BMG.
All tracks of the album are produced by Gerard Salonga.
Pero sa aming palagay, isa sa highlight at maipagmamalaki ng kanyang album ay ang paggamit ng full orchestra na madalang marinig sa mga album ng mga singers. At kuwento nga ni Reymond during his album launch last Saturday, August 16, at Eastwood mall, isa sa dahilan ‘yun kung bakit natagalan ito matapos.
"Live orchestra po kasi siya, as in, full orchestra. Lahat ng songs ko sa alnum is accompanied by full orchestra. Kaya lahat ng process ko sa album ay matagal. And then, at the same time, minaster rin po kasi siya sa States. And being mastered by Bob Katz."
Napaka-espesyal pala ng album niya? "Opo talaga! Kaya umabot sa almost one year kasi, we started doing this album around August or September I guess of last year, after winning po sa WCOPA [World Championships of Performing Arts], so umabot po talaga siya ng almost one year."
Bukod pa sa mga nabanggit niya, isa pa raw sa maipagmamalaki ni Reymond sa kanyang album ay most of the songs are original, isang bagay na gusto raw talaga niyang gawin.
"Kasi, marami na rin pong gumawa na mga Filipino singers na revival and it's time naman na ibalik na pati ‘yung mga original songs. Para maibalik na rin ‘yung dating sigla sa industry.
"Ang pansin ko po kasi, kahit sa ibang bansa, the reason why they are improving is because they never stop making good or great music, kaya patuloy pa rin silang yumayaman at nag-i-improve."
Puwedeng sabihin na mahal ang pagkakagawa ng album niya dahil sa magandang quality nito. ‘Yun nga lang, the usual problem ng mga recording company or recording artist ay ang madali rin pag-pirata ng album.
"Opo nga, actually mahal po talaga siya. Pero ako naman po kasi, ang pinaka-importante po sa akin, ‘yung quality talaga. I don't want to be a mediocre singer or artist ng Pilipinas."
Dugtong pa niya, "Kinakailangan kasi para manatili ka sa industriyang ito, gawin mo kunsaan ka magaling at pagbutihin mo ang ginagawa mo, hindi ‘yung okey-okey lang, Nandoon dapat ang excellence palagi."
In fairness, marami na rin achievement si Reymond. Bago pa man siya maging
Grand Champion as senior vocalist of the world sa 2007 WCOPA sa Hollywood,
naging finalist siya noong 2006 sa Philippine
Idol ng ABC-5, grand prize winner sa 2003 Hamilton Talent Hunt sa Ontario,
Canada at finalist din sa ilang contest sa ABS-CBN like Coca-Cola Musicola, Star For A Night, Star Quest,
JAM Himig Handog Para sa Kabataan at Metropop
Star Search ng GMA-7 noon.
SWITCHING MANAGERS. Sa naturang album launch ni Reymond, ang Ambient Event Artist Center ni Eric John Enriquez na ang nangangalaga ng career ni Reymond, that makes it more clear na wala na nga siya sa STAGES na unang nakilalang nagma-manage sa kanya.
Aniya, wala naman daw problema na umalis siya sa STAGES dahil tapos na rin daw ang kontrata niya rito.
"Dapat po kasi, noong una, kami na lang ng family ko ang mag-aasikaso. Parang gusto po naming mag-focus sa pagpo-promote ng album because we are very confident na tutulungan kami ng Songstream Records. Then, after telling it to STAGES na hindi na ko magre-renew, bigla namang nag-offer ang Ambient Media Management Group ng contract. Pero pinag-isipan ko rin muna.
"Okey naman po ako sa STAGES, maayos naman po ang separation namin."
May pagtataka si Reymond sa line of questioning sa kanya at ito na ang nagtanong kung bakit daw...so, we told him na he was missed during the presentation of new delegates for WCOPA and presentation of winner.





