Simula Oktubre 2008, nagre-rekord na para sa kanyang debut
album ang komedyante na si Pokwang pero ngayong Enero lang pormal na nai-launch
ito. Araw-araw kasi umeere ang Wowowee, ang noontime show niya sa
ABS-CBN kung saan co-host siya ni Willie Revillame.
Mula sa pagiging isang contestant sa talent search na "Clown in A Million," isa nang recording artist si Pokwang sa ilalim ng Star Records. Ang titulo ng kanyang album ay Pokwang ... Ang album Na May Puso na may six songs at isang bonus track.
Ayon sa komedyana sa kanyang press conference noong January
22, "Dream ko talagang magkaroon ng album. Tuwing nakikita ko sina Nixon Sy at Annaballe Regalado-Borja
[managing director ng Star Records] kahit saang parte ng ABS-CBN, bigla akong nagvo-vocalization
sa harap nila kaya naloloka sila.
Maiiyak kayo sa katatawa sa album na 'to, pampatanggal ng stress.
"Meron akong love song na talagang nakaka-in-love dahil super serious ng title,
‘Sana Kunin Ka Na Ni Lord.' Meron ding
Tagalog version ng ‘When You Tell Me That You Love Me.' May mga novelty songs
din na danceable like yung ‘Gaya-gaya, Puntong Maya,' ‘Bratatat' at yung
‘Bahoo.' Ilan sa mga composer sina Christian Martinez at Lito Camo."
Ayon kay Pokwang, hindi lang siya ang nangarap na magkaroon siya ng album. "Tinatanong ako lagi ng mga kababayan natin, kelan ba ako maglalabas ng album. Ngayong nailabas na, hindi lang ang pangarap ko ang natupad kung hindi pati na rin ang mga TFC [The Filipino Channel] subscribers."
Hindi ka kaya magkakaproblema sa title ng carrier single mo na "Sana Kunin Ka Na Ni Lord"?
"Hindi naman po dahil maganda naman ang mensahe ng
carrier single ko. Saka may kanta na
ganito si Blackjack noon na nag-click.
Wala naman naging problema sa PARI [Philippine Association of the Record
Industry]. Inaprub naman nila ito. Kaya, positive ako, kami na mag-eenjoy ang
lahat na makarinig ng aking awitin dahil punong-puno po ito ng aral. Pramis!"
Dagdag pa ni Pokwang, "Hindi man ako kasing husay nina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Sheryn Regis pero ano, 'yung taas ng boses nila, gan'un kataas ang pangrap ko na makapagpasaya ng mga tao sa album na 'to. Sa mga kanta dito sa album, nagseseryoso ako na parang Aegis pero kapag pinapakinggan mo at dinama mo 'yung lyrics, maloloka ka ng bonggang-bongga. Binigay ko lang 'yung gusto ng tao. Siyempre kung ano 'yung uso, dun tayo."
TRACK LISTING.1. Sana Kunin Ka Na Ni Lord
2. Bonggacious
3. Pag Na-in Love Ka Na Sakin (When You Tell Me That You Love Me)
4. Bahoo
5. Gaya Gaya Puto Maya
6. Bratatat
Bonus track: Hai



0

