When asked if he feels bad when he hears Careless Whisper? "Naiinis minsan pero like I've said, we have to move on. Actually, yung strength ko rito, gusto ko ma-forget ng mga tao yung association ng video na iyon sa kantang ito. Sana ako na lang ang maalaala nila sa kantang ito," says Kris Lawrence about this infamous song, which is the carrier single of his new album Moments of Love. Photo: Noel Orsal


Pinakamalakas ang palakpak ng audience nang kantahin ni Kris Lawrence ang awiting "Careless Whisper" sa kanyang album launch na ginanap sa Eastwood Central Park ng Eastwood City noong Sabado, June 20.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kris, binanggit niya na bago pa pumutok ang kontrobersiya sa sex video ng ex-girlfriend niyang si Katrina Halili at Dr. Hayden Kho ay ang Careless Whisper na talaga ang napili ng MCA Universal para maging carrier single ng album niyang may title na Moments of Love.  

Ayon pa kay Kris, nagkataon lang na pumutok ang issue tungkol sa sex video nina Katrina Halili at Hayden Kho nang ilabas ang kanyang album that was meant to be released last February pa sana. Kumbaga, hindi sinadya na makisabay siya sa init ng issue tungkol sa sex video sa paglabas ng carrier single niya na Careless Whisper, na siyang sinayaw nina Hayden at Katrina sa isang video bilang preparasyon sa palabas na Celebrity Duets. Naantala lang talaga ang release ng kanyang album for a reason na hindi niya alam.

Maraming inawit si Kris sa mini-concert na kanyang ginawa kung saan naging panauhin niya sina Jay-R at Denise Laurel, pati na rin ang dance group na Movers na nakasama niyang sumayaw sa "Careless Whisper" number.

Noong July 2008 pa niya sinimulan na i-record ang album. Umalis siya saglit para pumunta ng Amerika tapos nang magbalik siya last November, ipinagpatuloy ni Kris ang recording dahil the album was supposed to be launched last December.

Timing na timing naman ang paglabas ng Careless Whisper sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Katrina at Hayden pero nilinaw ni Kris na nagkataon lang ang lahat dahil mas nauna na niyang nai-record ang kanta at kung hindi na-delay ang release ng album niya, mas una sana lumabas ang kanyang carrier single bago pumutok ang issue.

Natawa lang si Kris nang tanungin siya kung hindi niya naisipan na gumawa ng MTV ng Careless Whisper kasama si Katrina. Hindi raw siya kasi aware na gumawa ng MTV sina Katrina at Hayden ng Careless Whisper na ginamit nga sa Celebrity Duets.

Wala naman daw siya magagawa nang malaman niya na may video nga sina Katrina at Hayden. Kahit na raw ganito ang nangyari, favorite pa niya ang Careless Whisper among the songs in his album.

"Even before lumabas ang video, ito na ang talaga ang carrier single ng album. We were supposed to release the album in a week's time tapos biglang lumabas ang video nila so medyo naipit kami. But the show must go on," pahayag pa ng Star in A Million Season 2 winner.

Bakit hindi na lang kayo pumili ng ibang song para maging carrier ng album? "Like all business, nakaplano na po ang lahat na aming gagawin. Tulad ng sinabi ko, dapat Valentine's day ang release ng album kaya nga red na red ang cover nito. That was the peg. We tried to change it last minute pero mahirap na. Marami nang nagastos. Sayang naman," he said.

Sabi mo favorite song mo ang Careless Whisper. What is special about the song? "It's my favorite song of the 80's kasi ang lakas ng dating ng saxophone. Tapos, maganda ang tono. Back in the States, sinasayaw namin talaga ito," pahayag niya.

Pero may ibinibigay ba sa iyong bad memories ang song na ito sa ngayon? Ano ang nararamdaman mo pag naririnig mo ang kantang ito?

"Naiinis minsan pero like I've said, we have to move on. Actually, yung strength ko rito, gusto ko ma-forget ng mga tao yung association ng video na iyon sa kantang ito. Sana ako na lang ang maalaala nila sa kantang ito," wika pa ng R&B crooner.

Kung sakaling makita mo si Hayden Kho, ano ang sasabihin mo sa kanya? "He's not worth my time. He's not worth my word. Isang malaking deadma. Kung sakaling makita ko siya, hindi ko siya kakausapin. Titignan ko lang siya. He's not worth my time."

Natawa lang si Kris nang tanungin kung sila pa rin ba ni Katrina. "Sana we have a good time tonight sa album launch," sagot na lang niya.

Bakit dapat bilhin ng mga music lovers ang album mo? "Kasi, personally I think you would like all of the songs in the album. Personal choice ko. Kahit na hindi mo alam na ako ang kumanta, maganda ang mga selections sa album. Puwede mo pakinggan sa kotse. Pag bumili ka ng album, put it in your car and listen to the songs. Puwede ka rin sumabay sa mga kanta.

Alin ang mas magandang version ng Careless Whisper, yung kay Hayden Kho o yung sa iyo? "Siyempre sa akin. Love your own, di ba," sagot niya.

Pakikinggan mo ba ang version niya? "Why not? Just for laughs," sagot niya.  

Included sa Moments of Love album ni Kris ay ang Suddenly, Honesty, Your Song, Now and Forever, Without You, We All Fall in Love Sometimes, the carrier single Careless Whisper, his up and coming single Just Tell Me You Love Me and the original composition Moments of Love.

Kasama rin sa album ang duets niya with friends like Jay-R (Right Here Waiting), Billy Crawford (All My Life) and Denise Laurel (I Will Take You Forever). Dumating noong Sabado sa album launch ni Kris sina Jay-R at Denise para makipag-duet sa kanya.


Moments of Love
is now available in record bars courtesy of MCA Music.