Lumikha ng ingay ang child superstar si
Zaijan Jaranilla, o mas kilala bilang Santino, matapos
magwagi ang kanyang pinagbibidahang teleserye na May Bukas Pa bilang Best TV
Series sa 31st Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Ang tagumpay ni Santino ay hindi lamang natatapos sa
kanyang patok na teleserye. Pinasok na rin ng batang aktor ang mundo ng
recording.
Muli na namang magbibigay ng pag-asa si Zaijian sa
pamamagitan ng kanyang bagong album na pinamagatang May Bukas Pa Soundtrack
‘Conversations of Bro and Santino.' Tampok dito ang
kanyang pakikipag-usap kay ‘Bro' at mga kantang hango sa hinahangaang
teleseryeng May Bukas Pa, na inawit ng mga pinakasikat na OPM artists
gaya nina Erik Santos, Toni Gonzaga, Rhap Salazar, at Juris ng MYMP.
Naikuwento ng walong-taong gulang na child superstar kung paano magbibigay
inspirasyon ang kanyang pakikipagpalitan ng salita kay ‘Bro.' Aniya, "Magkukuwento
kaming dalawa kung paano po maging mabait, paano mag-pray at paano po
maging masunurin."
Samantala, hindi lamang ang bagong album ni Santino ang
katibayan ng kanyang kabutihan at kamusmusan. Ang child superstar ay rumampa
rin sa Star Magic for a Cause fashion show na ginanap kamakailan. (CLICK HERE to see photos of the show mounted for the benefit of typhoon victims)
Napapanood ang May Bukas Pa sa ABS-CBN gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol World.
Zaijian "Santino" Jaranilla records inspirational talks for his album
Related Articles
Kris Aquino and Baby James' album turns Gold October 12, 2009 12:00 PM
5 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.
NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.


0

