PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alexzies will soon release her self-titled album under Aquarius Records

The newbis recording artist hopes to include pop and inspirational songs in her album.
by Mell T. Navarro
Published Aug 27, 2010
Alexzies will feature pop and inspirational songs in her upcoming self-titled album to be released under Aquarius Records.

May isa na namang bagong mukha sa local music industry. She's simply called Alexzies: a new recording artist ng Aquarius Records na may self-titled album na ilulunsad sa mga susunod na araw.

Ang iba pang singers under Aquarius Records ay ang legendary and world-class singers na sina Ms. Pilita Corrales, Carmen Soriano, Mabuhay Singers, at Diomedes Maturan.

Sa isang exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan sa baguhang singer sa isang hotel sa Manila, nasaksihan namin ang kanyang masayahing personalidad at ang kanyang passion sa larangan ng musika.

Pagkatapos ng masaganang pananghalian sa cafeteria area ng hotel, pumanhik na kami sa suite room, kunsaan kasabay ng nasabing panayam, ginanap rin ang photo and video shoot ni Alexzie, directed by veteran TV and events director na si Randy Rufino.

Sino nga ba si Alexzies at paano siya nagsimula bilang isang singer?

"Childhood dream ko na talaga ang maging recording artist at i-share ang music ko sa mga tao, sa mga Pilipino," masayang bungad ni Alexzies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gustung-gusto ko talaga ang mag-perform... I simply love to perform. I hope na 'yung mga kanta ko ay makapag-bigay ng saya at inspirasyon sa lahat ng tao.

"Lahat naman ng talents natin ay galing kay Lord. Siya ang may bigay sa atin nito para i-share, 'di ba? It's my own simple way of saying, 'Thank you, Lord for the gift You have given me.'"

Ano nga ba ang genre na gusto niyang tahakin sa industriyang ito bilang isang singer: acoustic, rock, pop, or R&B?

"Nagsimula talaga ako as a rock singer," pagbibigay impormasyon ni Alexzies. "Idol ko nga sina Sampaguita at ang Guns and Roses. Sa lahat ng gigs ko, laging kasama sa repertoire ko ang songs nila. Masarap din ang mundo ng rock, masaya!

"Pero dahil gusto ko ring ma-reach ang wider audience, nag-decide akong mag-shift sa pop and inspirational songs.

"Ang pag-shift kong ito to pop and inspirational songs ay kakaibang experience for me and yet, fulfilling. Ibang-iba ito sa nakagisnan kong rock genre, pero masarap ang feeling na sumubok rin ng ibang songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga, ang talent kong ito ay galing kay Lord, and so, parang I just want to give Him back all the glory," sambit ni Alezxies.

Paano nagsimula ang hilig niya sa pag-awit at papaano na-enhance ang kanyang skill sa pagkanta?

"Tinuruan ako ng mga magulang ko," sagot ni Alexzies.

"Pareho kasing mahilig kumanta ang parents ko. In fact, regular contestants sila sa mga singing competitions noong kabataan nila. Parang dahil sa kanila, siyempre, na-inspire rin akong kumanta.

"And then, yung brother ko ay isa ring good singer. Magaling magpatugtog ng guitar. Unang tinuro sa akin ng brother ko na kanta ang Look Dick Look, habang siya ang nagtutugtog ng gitara."

Sa kanyang pakikipagsapalaran sa simulang yugto ng pagtahak niya sa pangarap nitong pasukin ang pagiging isang professional singer, aminado si Alexzies na mahirap ang magpakilala sa publiko.

Ano ang unang professional exposure niya bilang singer?

"My first real exposure bilang singer ay noong sumali ako ng isang band. Naging lead vocalist ako noon. Lagi kaming sumasali sa mga battle of the bands contest sa Cavite, at sa kung saan-saan pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May mga pagkakataon namang sinusuwerte at nananalo ako bilang best female vocalist sa mga band contests na 'yun, kaya talagang memorable 'pag sumasali kami..."

Maliban sa mga pagtugtog niya sa iba't ibang gigs sa buong Metro Manila at sa mga karatig-probinsiya , naiimbitahan rin ang kanilang grupo sa maraming events. Kabilang na rito ang pagtugog sa mga ballroom dancing gigs.

"Two years ago, I decided na matuto ng ballroom dancing para mag-stay fit and mag-tone ang muscles ko. Kasi, I believe na it's a really good cardio exercise.

"E, since nagbo-ballroom dancing na rin ako, nag-decide akong mag-include ng ballroom beat and music sa repertoire ko and effective naman siya dahil marami ang nagkaka-gusto 'pag kinakanta namin ng banda ko."

Masaya si Alezxies sa pangangalaga sa kanya ng Aquarius Records. Under this record label rin ang mga singer na sina Carol Leus, Carmen Camacho, Vhen Bautista, etc.

Natapos na niyang i-record ang self-titled album nito. Kabilang sa mga songs na kasama dito ay ang Baila Señorita, Kung Ako Lang Sila, Yahoo Yehey Yippi, Malay Mo, Iboogie Mo, Huwag Kang Iiyak, Pacharming-Charming, etc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang aabangan ng pop music lovers sa kanyang first album?

"Aabangan nila ang mga kantang captured kung sino ba si Alexzies: masayahin, loving, and believer in a God na laging nasa tabi natin.

"It also contains materials that focuses on the gift of life and how it should be lived in. Sana ay mabigyan ako ng chance na maipakilala ko ang music ko sa mga tao," pagtatapos ni Alexzies.

Read Next
Read More Stories About
music
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexzies will feature pop and inspirational songs in her upcoming self-titled album to be released under Aquarius Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results