Pop singer Sheryn Regis wants to be a comedienne

Nerisa Almo
Friday, June 08, 2007 @ 01:28AM  |  34 views

Among all the titles being given to her, Sheryn Regis prefers to be called the "Crystal Voice of Asia."
Photo By: Noel Orsal















Tuwang-tuwa si Sheryn Regis dahil siya ang napili ng The Filipino Channel (TFC) sa ipro-produce nilang concert series ngayong buwan ng Hunyo sa Middle East at sa UK.

Hindi pa rin daw siyang makapaniwala na sa dami ng sikat na artista sa ABS-CBN ay siya pa ang napili. Aniya, "I'm so thankful [to] them kasi sa dami-rami ng artista ako pa ang kinuha. Sobrang happy din ako na napili ako na kasi siguro nakita nila sa akin, ‘Maliit ito pero nakikita pa rin.'"

Kagabi, June 7, tumulak si Sheryn para sa unang destination ng kanyang concert series, and Jordan. Mananatili siya roon sa loob ng tatlong araw at babalik sa Linggo ng umaga upang makapag-perform sa ABS-CBN noontime show ASAP '07.

Samantala, makakasama niya sa susunod na show niya si Carlos Agassi sa Kuwait (June 14) at Oman (June 15). At sa huling Linggo ng Hunyo ay aaliwin naman nina Sheryn at Sam Milby ang mga Pinoy sa London.

ROYAL FAN. Inamin ni Sheryn kahapon sa press conference niya, na ginanap kahapon sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound sa Quezon City, na nagkakaroon siya ng mga dayuhang fans.

Sa katunayan, naikwento pa niya, nagkaroon siya ng isang tagahangang sultan diumano at may-ari rin ng isang brand ng pampaputing sabon sa isang bansa sa Middle East.

Ayon kay Sheryn, pinangakuan pa diumano siya nito. "Doesn't matter, if you want fame, if you want money, I can give you everything you want," kwento ni Sheryn habang ginagaya ang boses ng tagahanga.

Nang malaman daw ito ng kanyang asawang si Earl Echiverri, nasabi niya, "‘Ano 'yan? Baka iwan mo na ako.'"

Ngunit sinuguro naman ni Sheryn ang asawa na hindi niya ito tatanggapin. "Sabi ko, ‘Hindi. Ayoko ko.' Kasi sabi ng papa ko, galing siya sa Saudi, alam niya yung mga ugali sa Saudi [Arabian] na kapag hino-hold ka, hino-hold ka talaga."

Dagdag pa niya, hindi rin niya talaga matatanggap ang alok ng tagahanga. Natatawang sambit ni Sheryn, "Hindi rin, may asawa ako. Ang ang reputasyon ko, wholesome ang image!"

NEW TITLES. Maraming titulo na ang naibansag kay Sheryn Regis kahit na noong nagsisimula pa lamang siya. Una siyang nakilala bilang Powerbelter, hanggang sa naging Shining Diva at Crystal Voice of Asia.



At ngayon ay tinatawag na rin siyang Modern Jukebox Queen, dahil sa kanyang latest album na The Modern Jukebox Collection, at Queen of Teleserye Theme Songs dahil sa ilang theme songs na kinanta niya para sa mga palabas, tulad ng Kampanerang Kuba, Maria Flordeluna at Nagmamahal Kapamilya.

Ngunit marami man ang bansag sa kanya, hindi na raw masyadong iniisip ito ni Sheryn. Aniya, "I am still the Crystal Voice of Asia. But then, since I have an album now as of this year, parang Modern Jukebox Queen. Pero parang sa akin okay lang talaga kahit Sheryn Regis, okay na ako diyan. Ma-queen or princess ako, okay lang basta bumebenta."

PROUDLY CEBUANA. Inilahad din ng singer na kung minsan ay nakikipagkita siya sa mga kapwa niyang Cebuana Divas at madalas ay sa bar diumano ni Pilita Corrales sa Greenhills.

Masayang kwento ni Sheryn, "Minsan nagte-text sila na, ‘Hoy, punta ka rito may tsikahan dito.' 'Tapos mag-aabot-abot na kami doon. Nagbibisaya kami kapag nagkikita-kita."

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name