Si Lara Cuevas ang first recording artist introduced by Viva Records sa isang launch/presscon last January 10 sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City.
Bago pumunta sa venue, nerbiyos na nerbiyos si Lara dahil first time niyang magkakaroon ng presscon. Pero nang napalagay na ang loob niya sa mga kaharap na entertainment press, tuluy-tuloy na ang pagsagot niya sa mga questions.
Ikinuwento niya kung paano siya nakuhang recording artist ng Viva. First time niyang makapag-record ng self-titled album kahit seven years na siyang professional singer.
"Seven years na akong kumakanta sa Shanghai at Ningbo, China," kuwento ni Lara.
"I'm from San Jose, Batangas, at family kami ng singers. Sumama ako sa isang band para kumanta doon. Later ko na lang nalaman na fake pala ang mga papers ko at fake din ang recruiter ko, kaya illegal ang pagpunta ko roon. May times na nagtatago ako sa ilalim ng table kapag may mga pulis na pumupunta sa club na kinakantahan ko.
"Mabuti na lang may nagmagandang-loob sa akin na tinulungan ako, isinama ako sa kinakantahan niyang club at naging legal na ang stay ko roon. Since then, nakapag-join pa 'ko sa tatlo pang bands at natuto akong kumanta ng mga iba't ibang songs, may Spanish, Italian, French and Polish songs, natuto pa akong mag-rap in Chinese, kasi nga we cater to an international crowd.
"For six years, hindi po ako bumalik ng Pilipinas, nag-ipon ako ng pera at nakapagpatayo ako ng sarili naming bahay ngayon sa Pasay City. Iyong ika-seventh year kong kumakanta, pabalik-balik na lang ako roon kapag may gig na isinasama nila ako."
Married na ba siya?
"Hindi po. Nagkaroon ako ng dalawang boyfriend, a Filipino, pero magkaiba kami ng lugar na kinakantahan. Parang long-distance relationship kaya hindi kami nagtagal. Nagkaroon ako ng Spanish boyfriend, mabait siya, pero nang mag-propose siya ng kasal, bago siya bumalik sa Spain, hindi pa ako ready noon, hindi kami nagkatuluyan. Pero friends pa rin kami until now, ang napangasawa niya, isa ring Pinay."
Hindi naman nag-deny si Lara na ang kasama niyang guy sa presscon ay ang current boyfriend niya of three years na, an Italian executive, si Francesco Parenti.
Magkasama silang nag-Christmas and New Year kina Francesco sa Italy at kasama niyang bumalik sa Pilipinas after the holidays and for the launch of her first album.
Paano siya nakuhang recording artist ng Viva Records?
"Last year, bago ako umuwi ng Pilipinas from Shanghai, sabi ng isang friend ko roon, mag-record ako ng demo tape at may pagbibigyan daw siya. Nag-record naman ako at nang bumalik ako ng Shanghai, ibinigay ko sa kanya. Hindi ko alam na sa Viva Records pala niya iyon ibinigay.
"Nagulat ako nang ipatawag ako ni Boss Vic del Rosario, kung gusto ko raw mag-record ng album sa kanila. Iyak ako nang iyak sa tuwa, hindi ko in-expect na darating sa akin iyon, matagal ko na po talagang gustong magkaroon ng record album.
"Iyon po pala ang producer na si Christian de Walden ang nakarinig ng demo tape ko at siya ang nag-suggest kay Boss Vic na pwede akong maging recording artist.





