Krissy and Ericka say their second is more "mature" compared to their debut album that contains more of "teeny bopper" songs. Photo: Courtesy of MCA Music

Tatlong taon din bago naglabas ng kanilang pangalawang album ang magkapatid na Krissy at Ericka Villongco.

Noong 2009 ay ini-launch ang kanilang debut, self-titled album na Krissy & Ericka, kung saan naging carrier single nila ang mga kantang "Up Up, Down Down" at ang revival ng M2M hit single na "Don't Say You Love Me."

Ang kanilang pangalawang album na titled Twelve: Fifty One ay ila-launch ngayong taon dito sa Pilipinas kasabay sa iba pang bansa tulad ng Singapore at Malaysia.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Krissy at Ericka noong Pebrero 15 sa Shakey's Restaurant sa El Pueblo, Ortigas, Mandaluyong City.

Dito'y sinabi nila ang kaibahan ng album na Twelve: Fifty One mula sa self-titled album nilang Krissy & Ericka.

"I think more mature siya than the first one," pahayag ni Krissy, ang panganay sa magkapatid.

"Kasi our first album nga parang teeny bopper ang effect, sort of like that.

"Pero this album sounds more heartfelt the way we write our songs, like from personal experiences talaga.

"Pero 'yong first album namin parang it was about humanity and having fun in the beach, pero ito it's about personal experience, mga guys and stuff."

MUSICAL COLLABORATION. Samantala, aminado ang magkapatid na ang international singer na si Taylor Swift ang kanilang idolo pagdating sa pagkanta at pagsulat ng mga awitin.

Ani ni Krissy, "Taylor Swift is a major influence to us, especially in song writing, 'cause it is so heartfelt and we can almost see the experience happening.

"I mean, we feel the song.

"So, I aim to be like that, like when it comes to my songs."

Katunayan, ilan sa mga orihinal na awitin sa kanilang album ngayo'y isinulat ni Krissy at isa na rito ang kantang "12:51."

Ayon kay Krissy, ang kantang ito'y tungkol sa isang lalaki na nagustuhan niya at akala niya'y may gusto rin sa kanya. Ngunit, kalauna'y nalaman niyang may iba pala itong gusto na babae.