(From left) Edgar Allan Guzman, Phillip Salvador, Nora Aunor, and Eugene Domingo were all honored after the September 23 special performance of Bona. This PETA play has been extended until September 30, 2012. (CLICK HERE for show tickets)

Photo: William Reyes

Napuno ng manonood ang PETA Theater Center noong Linggo, September 23, dahil isa itong natatanging pagtatanghal ng dulang Bona ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

 

Ang dula ay pinangungunahan ng kapwa premyadong actress-comedienne, Eugene Domingo, sa papel na Bona, at aktor na si Edgar Allan Guzman, sa papel na Gino Sanchez. Ito ay modern-day adaptation ng klasikong pelikulang Bona (1980) ni Lino Brocka, National Artist for Theater and Film.



Sa naturang film version, ang mga nagsiganap ay ang Superstar na si Nora Aunor bilang Bona; at Phillip Salvador bilang Gardo Villa. 

Tungkol sa obsesyon ng isang fan sa iniidolong aktor ang kuwento ng Bona, na unang isinulat para sa pelikula ni Cenen Ramones, at in-adapt sa stage ni Layeta Bucoy.

Sa theater adaptation ay ang actor-comedian at direktor na si Soxy Topacio ang namahala.


Dapat noong Linggo ay huling pagtatanghal na ng Bona sa PETA Theater, Quezon City.  Pero dahil sa naging magandang audience turnout at feedback sa nakaraang apat na linggong pagtatanghal, may naging sorpresa hinggil sa pagpapalabas nito.


Si Direk Soxy ang nag-announce na extended ang Bona hanggang September 30, 2012. (CLICK HERE for show tickets)

"Due to insistent public demand, meron kaming extension next week!" masayang bungad niya nang magsalita sa entablado during curtain call.

Ibig sabihin, limang performances pa ang nakatakdang gawin nina Uge (Eugene's monicker), Edgar Allan, at ng mga PETA actors and guest artists. 

Kabilang sa Bona sina Phil Noble at Joey Paras alternating sa papel na Baldy, Bona's best friend;  Raffy Tejada at Jef-Henson Dee alternating as Ronald, gay talent manager; She Maala at Olive Nieto alternating as Binky, Bona's sister; Dudz Terana as Chiqui; Jason Barcial at Junevir Tabor as Nini; Julien Mendoza as Bert/Lalaki 1; BJ Forbes as Bingo, Bona's nephew; Gabs Santos as Raf/Waiter; and Anna Luna as Katrina and GRO 2.

Sina Eugene at Edgar Allan (main cast, na walang alternates) ay mapapanood sa mga sumusunod na performances: Friday, September 28, at 8 pm; Saturday, September 29, 3 pm at 8 pm; at Sunday, September 30, 3 pm at 8 pm.

Mabibili ang mga tiket sa Ticketworld, ayon pa kay Soxy Topacio.

NATIONAL ARTISTS.  Natatangi ang pagtatanghal ng Bona noong September 23 dahil dumalo ang dalawang main cast at isang major support player ng Lino Brocka film. 

Noong gabing iyon ay binigyan ng parangal ang original lead stars ng Bona: ang Superstar na si Nora Aunor (na kamakailan lang ang kinilala ng critics sa Venice Film Fest for Thy Womb) at si Phillip Salvador.


Dumalo rin si 'Tata Nanding' Josef na gumanap sa papel ni Nilo, ang manliligaw ni Bona sa original film. Sa stage version, ginampanan ito ni Julien Mendoza at binago ang pangalan ng karakter na naging si Bert.

During curtain call, tinawag sina Nora, Phillip, at Tata Nanding para umakyat sa entablado.

Masigabong palakpakan ang isinalubong sa kanila ng manonood.  Ito ang bahaging pinagkalooban sina Nora at Phillip ng mga Natatanging Gawad Pagkilala, bilang katuwang ng mga bagong tagaganap (sa entablado) na sina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman.

Pag-akyat sa entablado ay mahigpit ang naging pagkakayakap sa isa't isa nina Nora at Phillip na malaon na ring hindi nagkasama sa anumang proyekto: sa TV man, pelikula, o teatro.

Minsan pang naging matamis ang pagkikita nina Nora at Eugene na hindi na naging emosyunal; Nora at Edgar Allan, matapos ang sorpresang panonood din ng play ni Ate Guy (Nora's monicker) noong September 1.

Bukod sa tatlong special guest artists, nasa special night din ng Bona ang dalawang National Artists for Literature: sina Dr. Bienvenido Lumbera at Dr. Virgilio Almario.  

 

Sila ang lumagda sa Natatanging Gawad Pagkilala na ipinagkaloob sa PETA at sa mga orihinal na gumanap na Bona (Nora) at Gardo Villa (Phillip); at pan-teatrong Bona (Eugene) at Gino Sanchez (Edgar Allan).

 

"Nasiyahan ako.  Maraming salamat sa inyo," sabi ni Dr. Virgilio Almario bilang pagbati.

 

Sina Dr. Lumbera at Tata Nanding ay kapwa bumati sa nagdirek (Soxy Topacio) at nag-akda ng dula (Layeta Bucoy), na isang "updated version" ng pelikulang Brocka.

Partikular na natuwa si Tata Nanding sa pagkakasulat ng tauhang si Nilo, na ginampanan niya noon; na na-update ngayon, bilang si Bert, ang masugid na manliligaw ni Bona.

"Buong-buo ang karakter, naiakma sa kasalukuyang panahon; at ang kuwento ay talagang nasundan at nagawan ng magandang pagkakahalaw sa teatro.