Rachelle Ann Go feels pressured about acting opposite Broadway actor Dan Dominech for the play Tarzan. This musical will be staged from June 14 to July 7 at the Meralco Theater in Pasig City.

Photo: Noel Orsal

Naghahanda na si Rachelle Ann Go para sa kanyang ikalawang musical play: ang Tarzan.

Kaya naman kahit wala pa silang rehearsals, nagpa-practice na siyang magsalita gamit ang British accent para sa karakter niyang si Jane.

“Nanonood lang ako ng British films,” sagot ni Rachelle nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kung paano siya naghahanda.

“Tapos si Direk Chari [Arespacochaga] once in a while nagmi-meet kami, pinapakinggan niya ‘ko, ine-explain niya ‘yong story para pagdating rehearsal okay, okay na.”

Nakausap ng PEP si Rachelle kahapon, April 10, sa Sir Boy’s Food Republic sa Panay Ave., Quezon City.

GETTING THE ROLE. Mismong ang direktor ng Tarzan na si Chari Arespacochaga ang pumili kay Rachelle para gumanap na Jane.

Si Direk Chari rin ang direktor ng unang musical na pinagbidahan ng Kapuso singer-actress: ang Little Mermaid.

“Actually matagal ako nag-decide kung gagawin ko ba,” pagbabahagi ni Rachelle patungkol sa musical na Tarzan.

“Kasi iba, iba ‘yong role, e. Kasi sa Little Mermaid pa-twetums, pa-sweet, ito [Tarzan] medyo mature ‘yong role nito, tapos Bristish accent. Ang hirap di ba kung hindi ‘yon ‘yong lenguwahe mo talaga, hindi ka gano’n magsalita, pag-aaralan talaga.”

Isa pang pinag-aaralan ni Rachelle ay kung paano niya magagampanan nang maayos ang karakter ni Jane.

Pero gagamitin na lamang daw niyang motivation ay ang pagkakapareho nila ng kanyang karakter.

Ani Rachelle, “Mahilig siya mag-explore, gano’n kasi si Jane, hindi siya natatakot mag-explore. Siya kasi ‘yong ‘pag may nakita siyang bagong… alam mo ‘yong hindi siya natatakot?

“May isang part nga do’n sa scene na may nakasalubong na siyang giant pero alam mo ‘yon, hinayaan niya lang. May naked man, si Tarzan… kumbaga ano siya, e, fearless.

“Parang siguro ako ngayon gano’n, e, at saka mature siya na kahit iwan siya mag-isa. Ako kumbaga gano’n na ako ngayon, e, okay na ‘ko.

“‘Yon lang hindi ko alam kung sa ngalan ng pag-ibig kung iiwan ko kung anong mayro’n ako, kaya hindi ko pa ‘yon masasabi.