PHILSTAGE honors the best theatrical productions of 2009

William Reyes
Wednesday, March 31, 2010 @ 04:43PM  |  59 views

Repertory Philippines' Sweeney Todd earned five PHILSTAGE Awards including Best Male Lead Performance in a Musical for Audie Gemora (seated) and Best Female Lead Performance in a Musical for Menchu Lauchengco-Yulo (standing in photo above).
Photo By: Courtesy of Boboy Ramiro













Matagumpay ang ginanap na ikalawang taon ng PHILSTAGE Gawad Buhay Award para sa taong 2009, noong Biyernes ng gabi (Marso 26), simula sa ganap na ika-7:30 ng gabi, sa Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater) ng Cultural Center of the Philippines.

Ang samahan ng mga mandudula, mananayaw (ballet), mang-aawit at kompositor na pang-teatro, o ang PHILSTAGE (Philippine Legitimate Stage Artists Group, Inc.) ang nagpasimula ng pagpaparangal na ito noong nakaraang taon. Sa pagpapatuloy nito'y buo pa rin ang suporta ng maliit ngunit nagkakaisang komunidad ng mga lehitimong theater artists sa Pilipinas.

Makahulugan ang pagwawagi ng musikal na Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto, ng Philippine Educational Theater Association (PETA), kaugnay ng darating na halalan na gaganapin sa ika-10 ng Mayo.  Apat na tropeyo ang napanalunan nito, kabilang ang para sa Outstanding Musical Production at Outstanding Ensemble Performance in a Musical (para sa buong cast).

Ang aktor-kompositor na si Vincent de Jesus ay may dalawa pang naiuwing parangal, para din sa Si Juan Tamad: Outstanding musical composition at Libretto. Noong isang taon, siya rin ang nag-uwi ng mga tropeyo, para sa musical na Batang Rizal (musical composition) at Skin Deep (libretto).

Sa pagtanggap niya ng tropeyong (Dancing Bulul) likha ng eskultor na si Don Salubayba, tila walang pagsidlan ng labis na tuwa ang kilalang aktor-kompositor.  "Mahirap (ang musical theater) pero gawin natin nang gawin... masaya siyang form!" ani Vincent.

Para din sa pinakamataas na karangalang Outstanding Dance Production at Outstanding Play Production, nanalo sa kaukulang nominasyon ang Masterworks (ng Ballet Philipines) at Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre (ng PETA), ayon sa pagkakasunud-sunod.

Ang CCP-Ballet Philippines Artistic Director na si Paul Alexander Morales ang tumanggap ng mga parangal para sa produksiyong  Masterworks.  "I am very much honored to recive this award, on behalf of other dance artists," sabi ni Morales.

May tatlong set ng parangal at kategorya ang Gawad Buhay, para sa likhing-sining ng dula, sayaw, at musikal.  Ang parangal para sa Outstanding Stage Direction ay ipinagkaloob kay Nonon Padilla para sa Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?


Ang para sa musical (Outstanding Musical Direction) ay napanalunan ng bunsong kapatid ni Lea Salonga na si  Gerard Salonga, para sa Sweeney Todd ng Repertory Philippines. At ang parangal sa likhang-sining ng sayaw (Outstanding Choreography for Dance Production) ay ipinagkaloob kay Augustus Damian III, para sa "Evacuation"/Masterworks ng Ballet Philippines.


SHAMAINE'S DOUBLE VICTORY.
Sa hanay ng mga gumanap, nagwagi ng ikalawa niyang Gawad Buhay award ang aktres na si Shamaine Centenera-Buencamino, sa kategoryang Outstanding Female Lead Performance in a Play Production, para sa Madonna Brava ng Mindanao (2009).  Noong isang taon ay si Shamaine din ang nanalo, para sa dulang  Ang Kalungkutan ng mga Reyna (2008), na mula rin sa Tanghalang Pilipino.

Ang aktor na si Lex Marcos, na siyang bida sa Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre? (ng PETA) ang pinarangalan sa kategoryang Outstanding Male Lead Performance in a Play.

Para sa Musical category, ang mga pangunahing nagwagi'y parehong mula sa Sweeney Todd: Menchu Lauchengco-Yulo (female lead) at Audie Gemora (male lead). Nanalo rin para sa musical na ito sina Liesl Batucan at Marvin Ong (female and male featured performance).

Tulad nina Gerard Salonga, Menchu Lauchengco-Yulo, Shamaine Centenera-Buencamino at iba pa, hindi rin nakadalo ang aktres na si Peewee O'Hara, ng dulang Madonna Brava ng Mindanao (Outstanding Female Featured Performance in a Play Production).  Ang katuwang niyang nanalo (male featured performance) ay si Dido dela Paz, ng Repertory Philippines' A Portrait of the Artist As Filipino.

Naging kaaliwan ng madlang taga-teatro at mga sumaksing taga-media ang pag-akyat sa entablado ng stage-movie actress na si Mailes Kanapi, na tumanggap ng tropeyo on behalf of Peewee O'Hara. Sina Kanapi at O'Hara lamang ang mga nominado para sa napanalunang kategorya ni O'Hara, ngunit naging sport sa kanyang pagkatalo ang aktres na gumanap, bilang Stella Kowalski sa dulang A Streetcar Named Desire ng Tanghalang Pilipino.

NATATANGING GAWAD BUHAY. Sa kabuuan ay masigla ang palabas. Simple man at hindi magarbo ay masaya at masigabo ang palakpakan ng mga taga-teatro para sa mga kasamahang naparangalan. Makasaysayan ang pagkakaroon ng parangal pan-teatro, sa pamamagitan ng PHILSTAGE, kung saan ang sinasabing mga "teatrong pang-elitista" (tulad ng Repertory, Ballet Phils., Ballet Manila at mga kauri) at "teatrong pang-masa" (Gantimpala Theater, Tanghalang Pilipino, at mga kauri) ay nagkasama-sama sa layuning isulong ang tagumpay ng industriya ng lehitimong tanghalan sa Pilipinas.


Ugnay rito ay ang unang taon ng pagbibigay ng PHILSTAGE ng mga espesyal na parangal—ang Natatanging Gawad Buhay—para sa multi-awarded singer, actor, at theater and music producer,  Celeste Legaspi, na siya ring founding president ng PHILSTAGE.

Binigyan din ng posthumuous special award si Zenaida "Bibot" Amador, na nagpasimula ng professional English theater sa Pilipinas, bilang founding artistic director ng Repertory Philippines.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name