Gina Pareño stars with Mario O'Hara in Tagalog version of American Hwangap

William Reyes
Monday, September 06, 2010 @ 06:17PM  |  4105 views

The cast of American Hwangap is composed of (seated, L-R): Bembol Roco, Gina Pareno, Celeste Legaspi and Mario O'Hara: (standing, L-R): Jeremy Domingo, Liesl Batucan, and Nico Manalo.  Chris Millado directs this Tanghalang Pilipino production, with playdates from September 10 - October 3, 2010 at the CCP-Little Theater.
Photo By: William Reyes













Para sa pagpasok niya sa daigdig ng teatro ay binibigyang-kredito ni Gina Pareno, bukod kay Tata Nanding (Fernando Josef, Artistic Director of Tanghalang Pilipino), ang direktor na si Jeffrey Jeturian na naging direktor niya sa award-winning indie film na Kubrador (2006).

Para naman sa kasamahang highly acclaimed at multi-awarded singer-actress na si Celeste Legaspi:  "It's a very good thing that Gina Pareño is with us.  It's a big boost to Philippine theater!"

CCP TRIBUTE. Bilang pagbibigay pugay kay Gina Pareno, nagkaroon ng special screening ng pelikulang Krimen (Kayo Ang Humatol), noong ikatlong linggo ng Agosto, bago nagsimula ang rehearsal schedules ng aktres, para sa dulang American Hwangap.

Ipinalabas noong Hunyo 1974, bilang entry sa Manila Film Festival, ang Krimen (Kayo Ang Humatol) na prinodyus ng Red Lions Productions, sa direksiyon ni Jun Raquiza, ang unang pelikulang napagwagian ng best actress award ni Gina Pareño.  Kabituin niya sa pelikulang ito sina Marianne dela Riva at Leo Angelo (screen name ni Raquiza).

"Ang ganda!  Ang ganda ko pala nu'ng bata!" natatawang banggit din ni Gina nang mapag-usapan ang isa sa pinakamahahalaga niyang pelikula noong 1970's.  "Sabi ko, 'my God! Naging maganda rin pala ako nu'ng bata... uy, naging maganda rin pala ako nu'ng araw; maganda pala ako noon!

"Tuwang-tuwa ako sa CCP.  Binigyan nila ako ng CD [ng Krimen].  Tapos, niyaya ko lahat ng mga anak at apo ko, kumpleto kami," masayang pagkwento pa ni Ms. Gina.

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name