Rocky Salumbides stars with girlfriend Eula Valdes in ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal

Mell T. Navarro
Tuesday, February 15, 2011 @ 05:41PM  |  10916 views

Rocky Salumbides and Eula Valdes will topbill the seventh run of ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal...Vack with a Vengeance. It will be staged at the Tanghalang Aurelio Tolentino at the CCP from February 18 to March 13, 2011.
Photo By: Noel Orsal













Hindi makapaniwala ang male supermodel-turned-actor na si Rocky Salumbides na mapapasama siya sa cast ng ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal...Vack With A Vengeance! Ito ang ika-pitong run ng nasabing award-winning original musical comedy mula sa Tanghalang Pilipino ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Now on its 24th season, ito nga ang pagbabalik ng isa sa pinaka-matagumpay na musical comedy play na mapapanood simula ngayong Biyernes, February 18 hanggang March 13, sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng CCP, Roxas Blvd., Manila.

Ang real-life girlfriend ni Rocky na si Eula Valdez pa rin ang bida ng ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal, bilang isang red-haired super heroine, at si Rocky ang gumaganap na Dodong, ang hunk na may puso at iniilusyon at pinapantasya ni Ada / Zaturnnah sa kuwento.

First time na makakasama ni Eula ang boyfriend na si Rocky, dahil iba't ibang actors ang gumaganap sa role ni Dodong in the past productions nito.

Ka-alternate ni Rocky bilang Dodong sina Red Anderson at Prince Stefan, samantalang kasama rin sa cast sina Gabe Mercado (alternating with Joey Paras) as Didi, ang daldalerang assistant ni Ada / Zaturnnah sa beauty parlor nila; Pinky Amador (alternating with Kalila Aguilos) as Queen Femina Suarestella Baroux; at marami pang iba.

Kamakailan ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocky, at natanong namin kung papaano ba nai-offer sa kanya ang role ni Dodong?

"Tinawagan nila ako, nagre-rehearsal na sila," bungad ni Rocky.  "'Yun na siguro ang pinaka-audition ko.  Kasi, hindi talaga ako kumakanta, e.  Kaya yung feeling na kakayanin ko ba ito,  aaralin ko pa, rehearsals..."

Nase-share ba sa kanya ni Eula noon na magkakaroon ng re-run ang nabanggit na musical stage play?

"Hindi pa," aniya.  "'Yung mga taga-CCP, nung tumawag, nagtanong sila kung gusto ko raw ba mag-Dodong [character na gagamapanan niya],  si Eula ang nagsasabi na kaya ko naman daw yun.

"'Tsaka yung mga taga-CCP rin ang nagsasabi sa akin na bagay daw sa akin ang role.  Kasi isang buwan pa naman daw ang preparasyon, mahaba daw, pero para sa akin kasi, yung isang buwan na yun, parang isang araw na lang yun eh."

Inamin ni Rocky na noong unang in-offer sa kanya ang project ay inayawan niya ito.

"Noong una, tinanong nila ako, sabi ko, ayoko talaga.  Tumanggi na ako noong first audition.  Kumakanta-kanta na, tapos, narinig nila ang boses ko... Ayoko na after noon!

"After noong first rehearsal, tinanong ko sila, 'Puwede na po ba ako?' Ang sagot sa akin, 'Hintayin natin si Sir Chris [Millado, the director], kasi wala pa siya.  Siya ang mag-aaprove.'  Wala kasi siya nu'ng nag-audition ako. Sabi ko, 'Okay...'

"Pag-uwi ko ng bahay, muni-muni.  Isip-isip.  Sabi ko, ayoko silang mapahiya.  Naniniwala sila sa akin, tapos, ako pala, walang ibubuga!  Ayokong maging gano'n.  Iniisip ko, tatanggihan ko na.  So, ayun, tinanggihan ko na."

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name