Isang kakaibang Sam Concepcion na naman ang aabangan ng mga tao sa kanyang pagbibidahan na play, ang Peter Pan.
Bago pa man pumasok ng showbiz, sa theater unang nakilala si Sam. Miyembro siya ng theater group na STAGES at kasali sa Trumpets Playshop.
Dito ay nagbida siya sa ilang mga play, kabilang ang The Lion, The Witch and The Wardrobe ni Edmund Pevensie.
Ngayon, ang pagbibidahan naman ni Sam ay ang collaboration play ng Stages at Repertory Philippines, na unang beses na gagawin ng dalawang theater groups. Tatanghalin ito simula September 29 to October 30, 2011 sa Meralco Theater, Pasig City.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sam, sinabi nitong masayang-masaya siyang maging parte ng collaboration na ito.
"It's the first time din na magko-collaborate yung Repertory and STAGES for a big production, yet, especially this year.
"So excited na to take on a role, Peter Pan isang icon, siyempre, one of the classics na, e. So a big role for me is another big challenge, e.
"I'm just thrilled na maging part ng production na 'to."
PETER PAN. Ang Peter Pan ay original creation ng novelist-playwright na si J.M. Barrie.
Ilang adaptation na din ng istoryang ito ang nagawa sa teatro, mula pa noong 1924. At katulad ng lahat, pinangarap din ni Sam na maging Peter Pan.
"Everyone has grown up naman po kasi knowing Peter Pan, I mean admiring that character.
"As a kid you think na, I want to be a Peter Pan, and enjoy being young and we can't go back in that days where everything is good and happy
"[But] I'll be able to live that dream here."
Apat na taon din ang lumipas nang huling magbida si Sam sa isang malaking production; ang huli ay Disney's High School Musical (2007).
Bagaman madami na siyang theater plays na napagbidahan noon, iba pa rin ang excitement na nararamdaman niya sa production na ito.
"Being in this shorts, vest and shoes, iba 'yung feeling, you know iba kasi, e. Yung feeling sa stage and just telling the story, yun yung excitement dun."




0

