Daniel Darwin, more popularly known as Astroboy, won P1 million cash, a brand new car and the chance to represent the Philippines at the World Championships of Performing Arts (WCOPA).

Photo: Allan Sancon

Wagi ang 24-year-old Fil-American na si Daniel Darwin na nagmula pa sa New York. Bumalik si Daniel sa Pilipinas para ibahagi ang kanyang natatanging talento: ang pinagsamang hula hoop dancing at fire dancing. Si Daniel, na mas kilala bilang Astroboy ang tinanghal na 3rd Ultimate Champion ng TV5 talent search na Talentadong Pinoy. Bumalik si Astroboy sa Pilipinas para ibahagi sa ating mga kababayan ang kanyang kakaibang saya na naidudulot sa paghu-hula hoop. Nagwagi si Astroboy ng P1 million cash, isang brand new car at ang chance na maging representantive ng Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa Hollywood.


Ginanap kagabi, May 6, sa Quezon Memorial Circle grounds ang results night ng Talentadong Pinoy 3rd Battle of the Champions.

Bago ang results night kagabi ay ginanap noong Sabado, May 5, ang tagisan ng galing ng mga Hall of Famers this year na sina Ivy Grace Paredes o Ayegee (singing), Melbelline Caluag (kundiman singer), Dancing Is Fun (dance group), Craig and Samantha Abaya-Campos (dancing duo), Daniel Darwin o Astroboy (hula hooping at fire-dancing), Johnny Villanueva o Sustantivo (pole dancing), Monica Regalario (sand artist) at wildcard Rhyzza Nicol Kafilas (singing).

Sinimulan ang show sa isang daring pole dancing act ni Ciara Sotto na pinakaunang Celebrity Talentadong Pinoy winner.

Pagkatapos nito ay in-introduce na ng host ng show na si Ryan Agoncillo ang talent scouts ng naturang talent search ng TV5 na kinabibilangan nina Ruffa Gutierrez, John “Sweet” Lapus, director Joey Reyes, Tuesday Vargas, K Brosas, at Lucy Torres-Gomez.

Special guest bilang talent scout si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Bago ang announcement ng winner, ginanap muna ang Celebrity Talentadong Pinoy competition. Dito ay apat na celebrities na may kaparehang past Talentadong Pinoy Hall of Famers.

Ang unang celebrity contestant ay si Wendy Valdez kapareha ang Talentadong Pinoy Hall of Famer na si Beatbox Gor. Isang futuristic song and rap number ang entry ng dalawa.

Sumunod na nag-perform ay si Inday Garutay with the Zion Show performing a violin/acrobat number.

Sinudan naman ito ni Arnell Ignacio na nag-piano habang umaawit si Leah Patricio at ang 92 A.D.

Isang tribal fire dance naman ang entry ni Keanna Reeves with the Tribal Dancers na siyang huling celebrity contestant.

Pagkatapos ng competition ay nagkaroon ng intermission number si Arnel Pineda na siyang Filipino lead singer ng foreign band na Journey.

Isa pang very special guest ang sumunod na nag-perform: ang Megastar na si Sharon Cuneta na inawit ang hit song niyang “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko.” Nadulas si Sharon sa entrance niya sa stage, mabuti na lang at hindi ito bumagsak. Madulas daw ang stage, ayon na rin sa Megastar. Incidentally, ang pinsan ni Sharonna si Ciara ay muntik ring madulas sa opening number nito.

Matapos kumanta ay nag-promote si Sharonng show niya sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo, Kapatid, na kunsaan ang special guest ay si Judy Ann Santos. Ang pilot episode ng kanyang talk show ay ipapalabas sa TV5 on May 14 at 4:30 pm.

Matapos ang performance ng Megastar ay in-announce na winner ng Celebrity Talentado; walang iba kundi si Arnell Ignacio!

After the commercial break ay tinawag naman onstage to announce the winner sa Battle of the Champions ang past winners na sina Yoyo Tricker Joshua Davis (2010) at Joseph The Artist (2011), together with Judy Ann and Ms. Nora Aunor.

Hindi magkamayaw ang tilian ng mga fans habang nasa stage ang Young Superstar at ang nag-iisang Superstar.

Sila ang nag-announce na nagwagi bilang 3rd Talentadong Pinoy si Astroboy na ang tunay na pangalan ay Daniel Darwin. Tumanggap siya ng P1 million pesos and a brand new car.


Ang walong contestants ay tumanggap rin ng four-year college scholarship grant mula sa AMA Computer College.



Nagkaroon ang PEP.ph na makapanayam si Astroboy at ito ang ilang pahayag niya tungkol sa pagkapanalo niya:

What can you say that you are declared as the 3rd Talentadong Pinoy Champion?

“I’m so honored to be a part and third Ultimate winner of Talentadong Pinoy.”

Did you expect to win Talentadong Pinoy?

“No, sir, I was so surprised. All of the Hall Famers are so good, I don’t have any idea who was gonna win. I’m so proud that each one of us gave our 100 percent yesterday during the final competition, so hindi ko po alam  na  ako ang mapipiling 3rd Ultimate Talentadong Pinoy Winner.”

Who is your best competitor among your co-hall famers?

“No, I will not choose, all of them are so incredibly good.”

Anong gawin mo sa premyong napanalunan mo?

“I have cousins who go to college, maybe I can help them. I will sponsor them for their education. I don’t know yet what to do to with the rest of the money.  Maybe I have to find an apartment here in Manila.”

What is your plan after winning Talentadong Pinoy?

“Maybe I can come back toNew York for a couple of months to see my parents, I miss them so much. And see also some of my teachers, classmates and my mentors to treat them, then I have to go back here in the Philippines to try my luck.”