Phil (left) and James (right) Younghusband teach basic drills and techniques in playing football via the two-minute segment show FYI. It airs daily on AKTV (IBC Channel 13).

Photo: Noel Orsal

Ang magkapatid na Phil at James Younghusband ang itinalagang Football Ambassadors ng AKTV sa loob ng tatlong taon.

Pumirma sila ng kontrata sa AKTV, ang sports channel ng TV5, noong Nobyembre 2011.

Bukod sa pagiging Football Ambassador, mayroon din silang two-minute show sa AKTV, ang Football Younghusband Instructional.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phil noong Mayo 15, sa mini football clinic na ginanap sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Bilang isang football lover, player at ambassador, may ilang mga paraan daw siyang ginagawa upang ma-promote ang naturang sport.

Isa na dyan ang kanyang appearance sa programa ni Angel Locsin sa ABS-CBN na Toda Max, noong Sabado, Mayo 12.

Dagdag pa do’n, “the line of clothing before which promotes the Younghusband Football Academy, which is about fashion.

“We did it also in news, interviews in various channels talking about football.

“We also have showbiz interviews, may it be a lifestyle interview or even entertainment, we try to do what we love— football.”

FYI. Ngunit sa ngayon, ang isang pinakamagandang paraan nila ng panghihikayat ng paglalaro ng football ay sa segment nilang Football Younghusband Instructional o FYI.

Napakalaking pagkakataon daw nito para sa kanila, lalo na sa kanilang itinatag na eskuwelahan para sa mga aspiring football players, ang The Younghusband Football Academy.

Ani Phil, “We’re very thankful to AKTV for giving us and the The Younghusband Football Academy the opportunity to promote football in the Philippines.

“AKTV is in free TV, so everyone can access the program.

“We’ve been working on FYI, the Football Younghusband Instructional, since 2011, and you can catch it during UFL games in commercial breaks.

“I’m so happy that we have a two-minute segment.